Muling Pagdagsa ng mga Estudyante Ngayong araw, Pinaghandaan ng PNP

UNTI-UNTI NANG bumubuhos ang mara-ming mga estudyante sa kolehiyo at unibersidad mula sa mga lalawigan para sa nakatakdang pagbubukas ng klase ngayong araw.

Maaalala na noong Hunyo 3 ay marami na ang nagbukas na paaralan, ngunit malaking bahagi nito ay sa elementarya at sekondarya.

Kaugnay nito, nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang pagbuhos ng mga estudyante simula noong weekend hanggang ngayong araw.

Maging sa mga pa-ngunahing terminal ng bus at mga paliparan ay may maraming mga estudyante na rin para sa pagsibalikan ng mga ito.

Tiniyak naman ni PNP chief Gen. Alan Purisima, may mga naka-deploy na rin umanong PNP personnel sa mga unibersidad at mga state colleges para na rin matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante laban sa mga masasamang loob.

Samantala, may mga police assistance desk na rin na ikinalat malapit sa mga eskwelahan at maging sa mga school zones upang maiwasan ang pananamantala ng mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.