Muling Naghimala; Imahe ng Birheng Maria, Nagpapagaling ng Maysakit

MULI UMANONG gumawa ng milagro ang Birheng Maria isang buwan matapos magpakita ang imahe nito sa isang puno ng palma (palm tree) sa Silay City, Negros Occidental.

Ayon sa caretaker ng pamilya Gaston na may-ari ng tanim na palma na si Rey Siason, noong nakaraang Sabado habang nagsasagawa ng pagdarasal ang tinatayang 70 hanggang 80 katao, bumagsak ang malakas na ulan ngunit laking gulat ng mga ito nang hindi nabasa ang kinatatayuan ng naturang puno.

Sinabi rin ni Siason na umaabot na sa 20 ang napagaling ng nabanggit na puno sa pamamagitan lamang ng pagdasal dito.

Samantala, noong nakaraang buwan, lumitaw ang imahe ng Birheng Maria sa nasabing puno ngunit nang malanta na ang bahaging pinaglitawan nito ay kanila itong ipriniserba, inilagay sa frame at inilagay sa paligid ng pinaniniwalaang milagrosong kahoy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.