Mula nang sumikat, ‘di na nakakakilala ng kaibigan si bagets actress! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! TILA hindi na kapani-paniwala ang mga binitiwang pahayag ng kampo ni Krista Ranillo hinggil sa isyung kinasasangkutan ng dalaga.

Marami ang naghintay sa kanyang pahayag, lalo na ang mga movie press na mula nang pumutok ang isyu hanggang ngayon ay nakabantay pa rin.

Ayon sa pahayag ng manager ni Krista na si Arnold Vegafria, pagdating na pagdating ng alaga nito galing Amerika ay maglalabas ito ng pahayag at magpapatawag ng presscon para maliwanagan ang isyung kinasasangkutan ng alaga.

Naku, ha?! Namuti lang ang mga mata ng mga movie press na naghintay, at hanggang ngayonay puro kasinungalingan lang ang lumalabas.

Ginaya nga raw ang istilo ni Maricar Reyes na hindi nagsalita sa isyu sa kanila ni Hayden Kho. Hanggang sa kinalimutan na nga lang ito ng mga tao.

Pero iba ang situwasyon ni Krista ngayon. Sa mata kasi ng mga tao, marami ang naniniwala na may namagitan sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at sa anak ni Mat Ranillo III.

Naku, ha?! Tigilan ako! Na ang lola pa nga raw ni Krista na si Gloria Sevilla ang nag-request na bigyan ng matinding security ang apo pagdating sa airport. Naku, sino ba si Gloria Sevilla para makapag-request nang ganu’n kabongga na bigyan ng matinding security ang apo? Except kung ang Pambansang Kamao ang nag-request, huh!

‘Yun nga kasi ang bulung-bulungan na si Manny ang nag-request ng security para sa dalaga. Kaya tigilan na ninyo ako sa mga kasinungalingan n’yo, ha?!

ITO PA ANG isa sa mga hindi maintindhihan ng mga tao. Nakakawindang ulirat, huh! Sa mga naglabasan at may nagpapatunay pa hinggil sa tangkang pagpapakamatay umano ng celebrity doctor na si Hayden Kho, Jr., na sinopla nga ng abogado nito na wala raw katotohanan ang mga naglalabasang kuwento, huh!

Magsitigil kayo, ha?! Hindi lang isa o dalawa ang nakakita sa guwapong ex-doctor na napadpad sa pinyahan ng Cavite, kundi marami ang nakakita rito na balak nitong kitilin ang sariling buhay.

May binitiwan pa umanong salita ang ex-doctor na, “Katrina, bakit mo ako ginaganito? Ano ang nagawa kong kasalanan?” ‘Yan ang mga salitang sinabi ni Hayden na pinaninindigan din ng mga taong nanakita kay Hayden.

Nu’ng nabalitaan ko sa araw na ‘yun ang kinasasangkutan isyu ng guwapong ex-doctor, tila hindi ko alam kung ano ang aking naramdaman. Nandu’n ‘yung awa at naiintindihan ko ang kalagayan nito. Pero sa mga pinabulaan ng kampo nito na hindi totoong nagtangkang magpakamatay ito, tila wala nang maniniwala rito.

Bakit hindi lang nito aminin sa lahat na nagawa nga niyang kitilin ang sariling buhay kamakailan lang. At I’m sure, maiintindihan siya ng karamihan.

Kelerke kayo! ‘Yun na!

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo ngayon? Naku, mga kafatid, maloloka kayo!

Dahil noong hindi pa nabibigyan ng break itong si bagets actress ng malaking istasyon ay tila napakabait nito at halos tumatawag ito sa kanyang mga kaibigan sa probinsiya at sa mga kamag-anak.

Ang nakakaloka lang, nang mabigayn na ng atensiyon ng malaking network, tila kinalimutan na ang lahat pati ang mga kaibigan nito ay tila hindi na kilala, at hindi na rin kinakausap ang mga kamag-anak.

Parati raw sinasabi ng bagets actress na ito na busy siya, huh! At tila bigla na lang daw itong nagmahal ng TF (as talent fee). Nakakaloka, huh!

‘Eto pa, namimili na umano ng proyekto ang bagets actress na ito. Nagbago na nga raw ang ihip ng hangin ngayon sa bagets actress.

Naku, ‘day! ‘Wag munang palobohin ang ulo moi, at tutusukin ko ‘yan! Ha-ha-ha! Nakakaloka, ha?! Ayaw na ayaw ng mga bisaya ng ganyan. Ha-ha-ha! Nanalo siya sa isang reality contest. Hmm… ‘yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

24 thoughts on “Mula nang sumikat, ‘di na nakakakilala ng kaibigan si bagets actress! – Tita Swarding

  1. kakahiya tlga si krista if ever totoong preggy cya…nakuha pa nyang pumunta ng gen san nung bday ni manny together with maui and philip salvador…kasama kasi dapat asawa ko sa magcoconvoy sa kanila all the way to gen san pero meron cyang ibang commitments that day. kaya i can say na tlgang makapal ang pagmumukha nitong krista na to.

  2. Si Erich or Kim…

    Wala naman sikat na young actress sa kabila eh hahahhaa

    Ang tanong lang sayo Swarding bading! Panu mo naman nlalaman na hindi sya tumatawag sa kamag-anak nya ha???

    Anino ka ba nya na kahit sa freetime nya nakabuntot ka??? Alam mo ba kung anung ginagawa nya kung nasa toilet sya o sa kwarto nya??? Nakakaloka tong baklang to

    Ang galing manghusga nito!

  3. early this morning, my Friend told me that krista Ranillo is pregnant.. Same sila ng Ob-gyne ni krista. Naawa ako kay jinkee, I’ts hurt and hard to accept na nagkaroon na ng kabit ang asawa mo, binuntis pa. To jinnkee ipaglaban mo karapatan mo, to Krista hindi ko alam na ganyan ka kababa, and gold digger pala ang family nio. akala ko ba maka-dyos ang family nio? bakit hindi nio yata alam ang 10 commandments? to manny- its not reason that your rich and famous to this to your family specially to your wife.

    • oi ihatekabet, amputa ka pinahirapan mo q magbasa ng english mo, dinugo ilong q kakaintindi ceo, sa susunod paki tagalog mo na lahat ha para naman sumakit ulo q kakabasa ng mga comments d2. Amputa ka mag tagalog ka ha as in puro tagalog ha, mabuti na lang at walang aq nabasang where is u o kaya when do u leave at bka di lang dugo ng ilong maranasan q sa pagbasa ng comment mo, bka pati utak q dumugo…Pakiusap lang ha…

  4. Agree ako sa iyo, PEPSitengmgababoy. Nabubuhay ang mga mod doon sa pagba-ban, kahit mild lang ang comment mo. Sobrang biased.

  5. yung MOD ng PEP walang magawa sa buhay. ban ng ban. siguro pag may mga pikong commentators na nagsusumbong delete agad ang mod. nakukuha siguro sa kant*t. mababawasan din sila ng readers. mabuti pa dito madaling mag comment at may freedom. dito kumukuha talag ng intriga ang pep.

  6. shukla,

    totoo yang sinabi mo. 2x na kong na-ban doon kase mga pikon ang mga tao doon. hindi ko alam kung ano ang pamantayan nila para i0ban ang nagcocomment. well, hindi sya kawalan. hindi na ko nagbabasa doon kase mga tanga tao doon. lalong lalo na yung mga mod mga sira ulo at yung mga tao doon puro mga bayolente

  7. Mabuti pa dito libring mag post hindi bina ban di kagaya sa isang site pag hindi gusto ng mod o wala sa mood si mod nila ban agad.

    So the best thing to do wag na mag post ban din magazine nila.

  8. Totoo ba yan sinabi mo MARKY?

    Parang hindi naman separated sina Manny at Jinky. The issue on Krista’s pregnancy is more believable pa nga.

    Well only time can tell. Lets see nalang =)

  9. nakakahiya naman ang pamilya Ranillo. umiyak si Mat nung mag bold daw si Krista. Pero ngayon na naging kabet, mukhang enjoy na enjoy sya. kasi bigla silang nagkadatung. pamilya na gold digger. papatulan kaya nyang si Krista si Manny kung walang pera? i doubt it!

  10. EDI SI ERICH. DHIL NGAUN LANG NAMAN SYA NBGYAN NG BREAK EH VIA KATORSE. KASI ANG SABI MATAGAL BAGO NAPANSIN SA NETWORK. EH SI KIM CHIU KALALABAS PA LANG MAY SHOW NA AGAD.

  11. Just to share, we have learned that Krista is 3 months pregnant that’s why she can’t be seen by the public. A friend of mine, a close friend of Krista eventually slipped and told our group. Manny and Jinkee are now separated.

  12. c erich toh kc matagal n syang nanalo sa contest pero now lng sya nabgyan ng big project ng kapamilya. eh c kim chui since nanalo sya binigyan n agad ng malaking project.

    katorse rulezzz!

  13. Si Krista Ranillo wag na lang pansinin ng press at di naman kailangan pang magsalita siya dahil walang maniniwala kundi pamilya lang nya. Obvious naman sa mga nasabi ni Jinkee Pacquiao na talagang lumandi ang huthuterang babaeng yan sa asawa niya. Tingnan na lang natin kung sisiskat sya, dahil di naman pinagpapala ang mga katulad nyang gold digger, at pa-VIP wala naman binatbat, pwe!

  14. i think c erich or kim chiu..pareho kasi silang bisaya, pareho nanalo sa contest…. cguro busy lang talaga…..ikaw ba naman bigyan ng maraming project.. good luck sa inyong duha dai!!…. basta bisaya, gwapa jud!!!loveu both

  15. kung ikaw ba naman ganyan ka busy may time kapa to make phonecalls sa mga kaibigan mo..diba wala na,..kahit twitter nga wala ng panahon..ovvvveeerrrr

  16. nakakairita na yang issue ni krista! sinungaling naman silang lahat eh. si jinkee lang ang hinde kaso nakatali si jinkee sa contract nilang mag anak sa nestle..that’s what i heard..kaya di sya pwede magbitiw ng direchong “oo kabit ni manny si krista” dahil may clause sa contract nila..

    mamatay na lang ang mga manggagamit, sinungaling at mga imoral…sila na yon!

Leave a Reply

Your email address will not be published.