MULA MAN SA MAGKABILANG NETWORK: Dennis Trillo, naging katuparan para kay Kim Chiu

Dennis Trillo and Kim Chiu

ISA si Dennis Trillo sa mga sought after leading man sa showbiz.

Bukod sa guwapo, iba ang acting skill ng aktor na patunay lang ang mga past television series niya at pelikula na kinabilangan.

He is more of an actor than being just an artista. Kaya nga sa mga leading ladies sa showbiz na hindi pa siya nakakasama sa teleserye o pelikula, isa siya sa pangarap na maging partner ng mga babaeng bida.

Maging si Kim Chiu, hindi inakala na makakasama niya si Dennis sa MMFF 2018 official enty ng Regal Entertainment na One Great Love dahil sa magkaibang television network sila kabilang.

Si Kim, mula sa Kapamilya Network while Dennis naman na kilala as one of Kapuso Prime artists. Malabo na maging magkapareha sila pero with Mother Lily Monteverde and Miss Roselle Monteverde’s film outfit ay natupad ang pangarap ni Kim.

Perfect partnership ika nga sina Dennis at Kim sa pelikulang obra ni Enrico Quizon (mas kilala bilang si Eric Quizon, ang artista) at sa panulat ng magaling na si Gina Marissa Tagasa na showing na come December 25.

Kuwento ni Dennis on Kim: “Walang problema katrabaho si Kim,” panimula ng aktor.

Kim Chiu and Dennis Trillo

Pagpapatuloy niya: ” Very giving na artista kaya kapag ka-eksena mo siya hindi ka mahihirapan mag-emote kasi madadala ka sa performance niya. Hindi mo makikita yung Kim Chiu, makikita mo yung Zyra na karakter niya sa pelikula.

“Ganun yung naramdaman ko kaya hindi na ako nagkaroon ng problema na gawin yung kahit ano mag eksena kasi nakikita ko siya bilang Zyra sa script. Sobrang versatile niya na artista,” pagpapaliwanag ni Dennis sa grand media conference sa pelikula.

Sa isang” hot” love scene ng dalawa sa harap ng fire place, hindi naging mahirap sa aktor nai-execute ang ipinagawa ni Direk EQ (tawag naming kay Direk Eric) dahil sa pagiging cooperative ng aktres.

“It was a great experience working with Kim and hopefully magkasama ulit kami sa isang project in the future kahit sa magkabilang network kami,” sabi ni Dennis.

Kim Chiu with JC de Vera and Dennis Trillo

Sa kasalukuyan, busy si Dennis sa pagpo-promote ng pelikula nila nina Kim at JC de Vera.

Sa katunayan, may bloggers conference sila this noontime para sa promo ng pelikula nila.

Aside from busy siya sa left and right promotion ng One Great Love, patuloy pa rin ang aktor sa kanyang drama-action serye na Cain at Abel sa Kapuso Network with Dingdong Dantes para sa Kapuso Network na napapaood after ng 24 Oras.

Habang nagtatagal ang serye sa ere, laong tumitidi ang interest ko sa show nina Dennis at Dingdong.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

One thought on “MULA MAN SA MAGKABILANG NETWORK: Dennis Trillo, naging katuparan para kay Kim Chiu

  1. Malakas and chemistry ni Kim and Dennis during the initial announcement pa lang ng movie na ito. Pero after watching the 2nd trailer, equally strong din ang chemistry ni Kim with JC. Maganda ang storyline at ang cool and dreamy ng cinematography.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.