Mukha ni Valerie Concepcion, ginamit sa CD ng sex video – Tita Swarding

OLACHIKKA… TODO PASEKSI na nga ang hot mama TV host-actress na si Valerie Concepcion. Tila hindi na paaawat ang hitad sa kanyang pagpapaseksi.

Ngunit sa kabila ng lahat, sinamantala naman ng mga taong walang magawa sa buhay ang pagkakataong kasalukuyang tinatahak ni Valerie. Dahil sa kanyang pagpapaseksi, ayun ang kanyang alindog na bukod sa makikita sa mga panglalaking magazine ay nakikita na rin ito sa mga nagkalat na bangketa hindi lang sa Metro Manila pati ang mga karatig bayan. Tila ginawa pang cover ng mga gumagawa ng pirated CD ang mukha at ewan ko lang kung katawan ba ng actress-TV host ang inilagay. Tila ginagamit ang mukha niya upang bumenta lang ang mga ilegal na mga ibinebenta. Ang nakakaloka lang, akala ng mga namimili ng mga pirated na CD ay si Valerie Concepcion ang nasa loob nito. Ngunit ang malaking pagkakamali nila, sila lang ang niloloko dahil wala namang Valerie na makikita sa loob ng CD. Ginawang cover ang mukha ng actress-TV host. Kaloka ha!

[ad#post-ad-box]

Pero kung noon ay pinagpipiyestahan ng lahat ang mga sex video ni Hayden Kho at halos pumalo pa ang bentahan sa mahal na halaga, ngayon ay tila buy 1 take 1 na lang ang mga ito at mura pa. Ha-Ha-Ha! Tila ang mga ilegal na bentahan na ganito ay hindi talaga mahuli-huli ng pamahalaan. Ewan ko ba kung bakit nagkalat ang mga ito. ‘Yun na!

NARITO ANG ISA sa mga larawan na nakuha ng aking Parazzi Girl sa pamimigay ni Aiko Melendez ng kanyang tulong sa ilang lugar sa Quezon City. Bukod sa sinabi na ni Aiko na galing sa kanyang bulsa ang ipnamigay, kung maaari lang at nakikiusap ang actress ay ‘wag nang ipulitika ito. Isa lamang daw ito sa kanyang pasasalamat. Nakikiusap din siya sa akin na kung maari ay hindi na ito ilabas.

Ngunit isang artista rin si Aiko at siyempre, trabaho lang naman ito, ‘noh! Kaya sori na lang twin sister. Ha-Ha-Ha! At siyempre, malaki rin ang pasasalamat ng mga taga-Quezon City dahil isa rin si Aiko sa tumulong doon samantalang ‘yung iba d’yan ay hindi nagparamdam,huh! Kaya si Aiko sa mga kamerang gala ng Parazzi Girl ko ay hindi nakaligtas. Ha-Ha-Ha! ‘Yun na!

MEDYO NAHULI ANG aking pagpapadala ng aking column dito sa Pinoy Parazzi dahil nasa kalagitnaan ako ng shooting ng pang-Metro Manila Film Festival na may pamagat na Ang Darling Kong Aswang kung saan makakasama ulit ako ni Vic Sotto. Noon ay nakasama ako sa Enteng Kabisote at ngayon ulit ay napasama rin ako. Bonggacious, ‘di ba?

Kasama ko rin dito ang kontrobersyal na si Cristine Reyes, ang kapatid ni Ara Mina. Ito talagang si bossing mahilig sa Kristine,huh!

Kapansin-pansin nga naman na kung noon sa kanyang mga pelikula lalo na ‘pag pang-Manila Film Festival ay si Kristine Hermosa ang kanyang kapareha, ngayon naman ay si Cristine Reyes ang kanyang kapartner. Ang hinihintay ko ay kung kasama ba si Pia Guanio sa movie. Ha-Ha-Ha! Buti na lang at hindi naman kalayuan ang location ng shooting at hindi nahirapan ang beauty ko. Ha-Ha-Ha!

Kaloka, ang ginampanan ng beauty ko rito ay isang kapitana at hindi ako ang aswang, ha! Ang nakakaloka ay kapitanang bading. Ha-Ha-Ha!  Kalerke. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Mukha ni Valerie Concepcion, ginamit sa CD ng sex video – Tita Swarding

  1. i really like valerie c. ang ganda ng attitude niya sa buhay. basta trabaho lang siya at iwas sa intriga. at palagi lang siyang nakangiti sa wowowee.

  2. mahilig pala si bossing sa mga magagandang tisay para maging leading lady.. e kesa naman baluga at mukhnag tsimay no!

Leave a Reply

Your email address will not be published.