Mukha ng Binatilyo, Wasak sa Saksak

PINAGSASAKSAK SA mukha ang isang 16-anyos na 1st year Education student ng National Teacher’s College ng tatlong ‘di pa kilalang suspek sa Quiapo, Maynila kamakailan.

Kinilala ang nasabing biktima na si John Phillip Malla,ng # 48-B Roxas St. Tondo, Maynila na idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc.

Base sa report ni PO3 Crispin Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, alas-8:47 ng gabi ng makitang nakahandusay at duguan ang binatilyo sa tabi ng A. Mabini Elementary School sa Ma. Carpena St., Quiapo.

Sa kuha ng CCTV ay may kasamang dalawa ang biktima, ang isa ay tulad niyang nakasuot ng unipormeng puting polo at itim na pantalon, isang nakasibilyan habang naglalakad sa Bilibid Viejo at nakita rin na may bumubuntot na tatlo pang lalaki na naka-sibilyan.

Gayunman, hindi na nahagip pa ng CCTV ang aktuwal na insidente ng pananaksak at pagpatay na nakitang lumiko ang mga biktima kasunod ang mga salarin.

Kanya-kanya sa pagtakas ang mga salarin na kasama ng biktima matapos ang pananaksak dahil may pumaradang kotse na nakakita sa ginawa nilang krimen.

Nabatid sa kaanak ng biktima na si Rodolfo Aboy, (tiyuhin) na nasa Romblon ang ina nito na isang guro, habang ang binatilyo ay nag-aaral sa Maynila.

Labis na hinanakit ang nararamdaman ng tiyuhin ng biktima na nagsabing halos hindi nila padapuan ng lamok ang pamangkin na brutal lamang na pinaslang.

Samantala, hindi tinangay ng mga suspek ang cellphone at maging ang bagong relos na kabibili lamang ng tiyuhin para sa pamangkin, na nagpapatibay na hindi holdap ang motibo sa krimen kundi matinding selos dahil winasak sa saksak ang mukha ng binatilyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.