Mukha ng 2 estudyante, nabura sa science experiment

LABIS ANG HINAGPIS ng isang ina makaraang madisgrasya ang kanyang anak habang gumagawa ng eksperimento sa Science Class nito sa loob ng paaralan sa Santiago City, Isabela.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, inamin ng isang Ginang Acosta na labis ang pighati nito sa sinapit ng kanyang anak na binatilyo, 3rd year high school sa Rizal National High School sa Santiago City.

Sa ulat, gumagawa ng ointment ang mga estudyante mula sa mga dahon at luya noong Miyerkules ng umaga subalit habang niluluto ito nilagyan ng thinner ng isang estudyanteng nagngangalang Jay ang baga dahilan para sumiklab ito.

Sa pagkataranta, naihagis ni Jay ang hawak na botelya kung saan kumukulo ang likido na tumama sa mukha ng anak ni Acosta.

Bukod sa binatilyo, isa pang estudyante ang tinamaan ng botelya.

Aminado  si Acosta na nangangamba siya sa magiging attitude ng kanyang anak makaraan ang sakuna subalit wala naman aniyang magdedemanda dahil alam niyang aksidente lamang ang pangyayari.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.