MTRCB, Nagbabala sa mga Gumagamit ng Pekeng ID

BINALAAN NG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga kawatan na gumagamit ng pekeng ID para makapanood nang libre sa mga sinehan.

Iprinisinta ni MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal ang ilan sa mga nakumpiska nilang pekeng ID mula sa ilang parokyano ng ilang kilalang mall sa Quezon City.

Nitong nakaraang Abril at Mayo, umabot sa 12 pekeng IDs ang nasabat ng mga tauhan ng sinehan na agad namang nai-turn over sa ahensya.

Ayon kay Villareal, mas madali nang matutukoy ngayon ang peke sa orihinal na ID, dahil mayroon na itong security features.

Sakaling mahuli ang isang indibidwal, maaari itong pagmultahin depende sa bigat ng pagkakasala at maaaring mapatawan ng pagkakulong.

Samantala, umaapela naman ang MTRCB sa mga may hawak ng deputy ID na huwag lang gamitin sa panonood ng libreng sine ang mga ito, bagkus ay tumulong din sa industriya ng pelikulang Pilipino sa pagre-report ng katiwalian sa sinehan, gayundin sa mga palabas sa bus at barko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.