MTRCB, mas magiging mapanuri sa TV sa bagong klasipikasyon!

NAKAUSAP NAMIN si Chairman Grace Poe-Llamanzares tungkol sa bagong panukala ng MTRCB sa klasipikasyon ng mga palabas sa telebisyon, ang SGP o Strong Parental Guidance na ipatutupad na ngayong February 9.

Layunin ng SGP classification na magabayan talaga nang tama ng mga magulang ang kanilang mga anak sa panonood ng mga palabas sa TV.

Ayon pa kay Ma’am Grace, maglalabas sila ng promotional advertisement tungkol dito sa pamamagitan ng isang commercial kung saan bida ang pamilyang Legazpi. Maganda raw ang pagkagawa ng commercial nina Zoren, Carmina, at ng kambal at umaasa siyang maraming matututo at maging aware ang lahat tungkol sa tamang paggabay sa mga kabataan.

Dugtong pa nga niya na tagline din ng commercial, “Ang tamang gabay ay nagsisimula sa bahay”.

 

NAKAUSAP NAMIN si Janice de Belen at sabi niya, hindi niya inaasahang sa taong ito ay uulanin siya ng suwerte. La-king pasalamat daw niya na pinagkatiwalaan ulit siya ng Kapamilya Network ng mga magagandang proyekto katulad na lamang ng Budoy at ang kasisimula pa lang kahapon na showbiz-oriented show niyang SIR o Showbiz Inside Report.

Masaya rin niyang ibinalitang nakapag-two shooting days na siya sa pelikulang The Healing na pinagbibidahan ni Governor Vilma Santos at Kim Chiu.

After Budoy, dalawa pang teleserye ang nakatakdang gawin ni Janice sa ABS-CBN.

 

MALAPIT NANG ipalabas sa TV5 ang pinakabagong gameshow ng Kapatid Network na Toink. Ang nasabing show ay pa-ngungunahan ni Alex Gonzaga at cager na si Chris Tiu.

Masaya ang takbo ng laro dahil pagali-ngan sa paghula ang pinaka-mechanics ng game. Every week, may mga celebrity contestants kasama ang home partner nito na makikipagtagisan sa hulaan sa mga tanong ng segment hosts na si Pretty Trisha.

Teka lang, ‘di ba all time crush ni Alex si Chris Tiu?

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

6 thoughts on “MTRCB, mas magiging mapanuri sa TV sa bagong klasipikasyon!

  1. Kay Mary Grace Llamanzarez Kilala mo ba talaga kung sino ang magulang mo? Isang malaking tao ang ama mo na naging diktator nang mahigit na 20 taon.. ang nanay mo naman ay ang nanay ni SC..alam mo na ba iyon?

  2. nahawa lng si zoren kay cristy fermin lucy ferminute dahil sinasabihan nya si zoren basa….. basa ng bibliya ni lucy fermin

  3. may pa-spg spg pa eh kailan ka pa ba makakakita ng pinoy show na may sex or violence? mga foreign shows lang naman talaga, kaya nga mas exciting ang foreign shows kasi mas makatotohanan ang mga violent scenes nila unlike sa pinoy violent scenes na walang kakwenta kwenta na super edited na hindi naman nakikita ang mga aksyon. hay naku

  4. Hahahahaha, oo nga yong tsismosong lalaki ay hindi nakakarespeto kaya nga pinagsasabihan ni Carmina si Zoren kasi tsismoso to the max na kasi ang kalabasan, ahahahahaha. Kawawang Carmina first bading ang asawa, ngayon naman super tsismoso ang live in partner. Nakakaloka.

  5. Sana mabantayan din ng MTRCB ang bunganga ni Zoren Legaspi. Nakaka-turn off ang pagiging chicsmoso nya sa Paparazzi. Parang hindi sya artista na nagkarron din ng maraming issue noon. Ngayon kung makapag-blind item akala mo ang linis linis nya.. PWEEE!

  6. Chairperson Grace, huwag lang pong sa TV mag focus. dapat po sa movies man, tulad ng movie na ipalalabas ng Star Cinema na UY kung saan kaliwa’t kanan daw ang love scenes. maselan po ang tema, kaya dapat i-rate yung movie nina Angel at JLC ng RATED X!

Leave a Reply

Your email address will not be published.