Ms. D, imbyerna kay Mommy D?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! Marami ang nag-e-mail sa akin, at marami pa lang fans ang Juke Box Queen Imelda Papin. Kung hindi ako nagkakamali, nabasa nila ang naisulat ko rito sa column ko rito sa Pinoy Parazzi.

Inpernez, marami ang natutuwa sa ina ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionesia. Pero siyempre, siguro wala lang sa isip niya na minsan hindi rin nagugustuhan ng karamihan kung ano ang sinasabi niya. ‘Ika nga, you cannot please everybody.

Pero sa aking e-mail, may nagpadala na galing sa isang kurimao@yahoo.com. ‘Eto ang sinasabi:

tita swarding, dapat may makapagsabi kay aling dionisia na ginagawa na lang siyang katatawanan. at hindi namin nagustuhan ang ang mga sinabi niya about sa idol namin. kahit magsuot pa siya ng mga milyones niyang alahas. ang ungoy bihisan mo man ng ginto ay ungoy parin. pero wag niyang palabasin na ang idol namin ay matanda pa sa kanya. baka nagkamali siya ng inidolo. baka si imelda marcos hindi si imelda papin.”

Ay, naloka ako sa nagpadala sa aking e-mail na ‘yan, ha?! Hindi pala nagustuhan ng mga fans at kampo ng Juke Box Queen ang mga binitawang salita ni Mommy Dionesia. Kalerke, ha?!

AT ITO ANG fresh at bagong chikka ng aking parazzi girl na friend din ng dati kong kasamahan sa telebisyon na si Dina Bonnevie. Kahit lola na ang hitad, super-ganda pa rin ito. At hindi niya pinabayaan ang sarili niya. Poised pa rin, ‘ika nga.

Habang nasa mall daw ang magaling na actress, tinawag daw si Dina ng Mommy D. Aba, ang lola n’yo, hindi pinansin ang tumawag sa kanya. Imbyerna umano ito sa tumawag sa kanya ng ‘Mommy D’. Ha-ha-ha! Kaloka, ha?!

Ayon naman sa nakatsikahan kong friend. Nag-iisa lang daw ang Ms.D at hindi siya Mommy D, dahil hindi raw siya pangit. kaya ayaw rin niyang magpatawag na lola. Nakakaloka, ha?! ‘Yan daw ang sabi ni Dina Bonnevie. Naku, ha?

Kaya ngayon, ‘wag n’yo nang tawaging ‘Ms. D’ si Dina Bonnevie, buong name na lang niya.

NALOKA AKO SA pamilyang ito. Dahil pala sa pag-iendorso nila ng ilang mga politician, nagkawatak-watak ang pamilya nila, huh!

Yes, trulily mga kafatid! Dahil sa pulitika, watak-watak ang pamilyang ito, na super kilala pa naman. Ang nanay at tatay ay iba ang gusto nilang iendorso, at noon pa ay close friend na talaga nila ang isa sa mga tumatakbo. ‘Yung anak nilang TV host ay napasubo lang daw ito na maisama sa isang ad ng isang pulitiko dahil friend niya ang kumuha sa kanya at 1/4 lang daw ang ibinayad dito, huh! Ang isa pang anak na sikat din, ginawang spokesperson din ng isang pulitiko, at isinasama-sama na raw ito kung saan-saang probinsiya. ‘Yun pang isang anak, hindi pa raw makapagdesisiyon kung sino ang ieendorso niya, dahil ayaw raw niyang palayasin siya ng mga magulang niya. Ano raw?

Yes, ‘yun daw ang sabi ng magulang nila. Pero wala nang magawa ang parents nila dahil ang dalawa ay naka-commit na sa mga pulitikong iniendorso nila. Kaya ngayon imbyerna raw ang parents nila dahil hindi raw sila sinunod ng kanilang mga anak, at hindi raw pinapansin ng nanay nila ang anak nitong TV host dahil sa katigasan ng ulo nito.

Sinabon naman daw ng nanay nito ang anak na lalaki, dahil kung ano ang gutso ng parents nila, ‘yun daw ang iendorso, hindi ‘yung napanood na lang nila sa telebisyon at wala raw permiso galing sa kanila.

Nakakaloka, huh! Ang clue, royal family raw sila. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Ms. D, imbyerna kay Mommy D?! – Tita Swarding

  1. in pernest he he he pernes daw o.. anyway sya naman talaga ang tinawag na Ms. D kaya tatak nya yun then kung tinawag kang Mommy D hindi naman yun yung name mo at alam mo namang may nag kla claim ng Mommy D bakit mo papansinin. ang name mo ay swarding tapos tinawag kang buraot papansinin mo ba swarding?

Leave a Reply

Your email address will not be published.