MRT, Nagkaaberya

LABIS NA naapektuhan ang mga biyahe at mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) kahapon ng umaga matapos magkaaberya ang maintenance machine nito.

Nai-report na tumigil ang makina ng maintenance machine ng MRT-3 sa northbound lane partikular sa pagitan ng Magallanes at Taft Avenue stations.

Dahil dito, nalimita ang biyahe mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard station at pabalik simula  alas-5:00 ng umaga kahapon.

Nabatid na nagkaroon ng problema ang hydraulic motor ng maintenance machine habang nagsasagawa ng check-up sa mga kawad ng MRT na nagsusuplay ng kuryente sa mga tren.

Samantala, agad namang binaklas ang makina para makumpuni ang problema nito.

Alas-10:00 ng umaga nang maibalik rin sa normal ang operasyon ng MRT.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.