MRT-LRT fare hike, maiiwasan – Recto

MAAARI PANG MAIWASAN ang pagtaas ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) sa susunod na taon kung gagamitin ang P7 bilyong savings ng Department of Transportation and Communication (DOTC).

Sa kabuuang P25 bilyong budget ng DOTC ngayong taon, inaasahang P18 bilyon lamang ang gagastusin ng tanggapan ni Secretary Mar Roxas o savings na P7 bilyon, ayon kay Sen. Ralph Recto, vice-chairman ng Senate committee on finance.

Ang savings na ito ay maaaring magamit para mapigilan ang pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT upang sa gayon ay makahinga naman ang mga ‘middle class’ citizen na siyang tatamaan ng fare increase, dagdag ni Recto.

Sa mga nakalipas na buwan, palaging ang ‘middle class’ ang tinatamaan ng pagtaas sa bayarin tulad na lamang ng pagtaas ng toll fee sa South Luzon Expressway, ang pagpapataw ng Value Added Tax (VAT) sa toll fee, ang pagtaas ng presyo ng kuryente at ang napipintong pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.