MRT Extortion probe, mabagal

BINANGGIT NI Navotas Rep. Toby Tiangco na simula nang ihain niya ang resolusyon hinggil sa  pagsisiyasat sa $30 milyong extortion scandal sa MRT-3 project noong Hulyo 24, 2013, dalawang hearing pa lamang ang nangyayari sa naturang isyu samantalang ang ikatlong hearing ay hindi pa itinatakda ng chairman ng House committee on good government and public accountability.

Wala namang balak mag-akusa si Tiangco na sinasadya ni Pampanga Rep. Oscar Rodriguez, chairman ng komite at kasapi ng Liberal Party (LP), ang mabagal na takbo ng pagsisiyasat dahil bahala na umano ang publiko ang siyang bumuo ng konklusyon hinggil dito.

“Filed July 24, 2013. Naka-2 hearings na magmula nun. Sa tingin n’yo mabagal ba ‘yun?” pahayag ng kongresista.

Sa ngayon, hindi pa rin malaman kung kailan ipapa-¬schedule ang ikatlong hearing gayung maaari namang magtakda ng hearing kahit naka-recess ang sesyon ng Kamara.

Kamakailan ay nagsalita naman si Czech Ambassador Josef Rychtar at pinatotohanan ang $30 milyong tangkang extortion ng grupo ni MRT general manager Al Vitangcol III kapalit ng supply contract sa mga bagon ng MRT-3.

Ang tauhan ni Vitangcol na nakilalang si Wilson de Vera, kasapi ng LP, ang siyang makakapagbigay-¬linaw umano sa nabanggit na isyu ng tangkang pangingikil sa I¬nekon Group.

Samantala, nanindigan rin si Rodriguez na ibabasura niya ang sulat na ipinadala ni Ambassador Rychtar kaugnay ng suhulan sa MRT-3 project, kung hindi ito magpapakita sa hearing para panumpaan ang kanyang alegasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “MRT Extortion probe, mabagal

  1. Pingback: MRT Extortion probe, mabagal - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.