Mrs. Corona, kumita ng P6-M sa Camp John Hay Kakayahang makabili ng ari-arian, pinatunayan ng depensa ni Corona

SA KABILA ng mahigpit na pagtutol ng House pro-secution panel, isa-isang ipinaliwanag sa impeachment court ng defense witness ang natanggap na sahod at benepisyo ni Mrs. Cristina Corona mula sa John Hay Management Corp. (JHMC).

Inihayag sa witness stand ni JHMC finance manager Miriam Musuela na tumanggap ng tinatayang nasa P6.1 milyon mula sa government-owned corporation ang asawa ni Chief Justice Renato Corona sa panahon ng panunungkulan nito sa kumpanya.

Nagsilbi dating president, chief executive, chief operating officer at acting chairman of the board ng JHMC si Ginang Corona mula taong 2007 hanggang June 2010.

Tinangka naman ng prosecution panel na pigilan ang testigo sa paghahayag sa open court ng naturang mga ebidensiya, subalit mismong si presiding-judge Juan Ponce Enrile na ang nag-utos na kailangan itong ihayag sa korte.

Batay sa nabanggit na mga income, ipinaliwanag naman ng depensa ang kakayahan ng mag-asawang Corona para makabili ng ilang ari-arian. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mrs. Corona, kumita ng P6-M sa Camp John Hay Kakayahang makabili ng ari-arian, pinatunayan ng depensa ni Corona

  1. kung gagawa ka ng kaunting arithmetic hindi na kakain ang mga corona sa mga panahon na kinikita nila ang milyon na ito para mabili ang kanilang mga mansion. huwag naman tayong gawin tanga ng mga abogado ni corona.

Leave a Reply

Your email address will not be published.