Mr. Johnny Manahan, ipinagtanggol si Willie Revillame by Cristy Fermin

MAHIRAP ISPILENGIN ANG buhay kung minsan. Pagkatapos siyang husgahan at lait-laitin ng marami dahil sa isang hindi sinasadyang pagkakamali sa kanyang programa kaugnay sa pagpanaw ng dating Pangulong Cory Aquino ay tanungan naman nang tanungan ngayon ang mga kababayan natin kung kailan babalik sa Wowowee si Willie Revillame?

Naalala tuloy namin ang tanong ng isang aktor nu’ng minsan malasing ito, “Bakit ganu’n ang mga tao? Kapag maganda ang relasyon ng mga artista, paghihiwalay ang inaabangan nila?

“Pero pagkatapos namang magkahiwalay, ang inaabangan na nila, kung kailan naman magkakabalikan? Saan ba kami lalagay?” madulas ang dilang tanong ng lasing na aktor.

Nu’ng nakaraang linggo ay hinagupit si Willie ng nagsasalimbayang mala-latigong paghusga ng bayan, bastos daw ang aktor-TV host, dahil hindi man lang niya nagawang irespeto ang bangkay ng isang dating pangulo.

Noon pa naman namin sinasabi, hindi maaasahan kay Willie Revillame ang klase ng pagsasalita ng isang lumaki sa kolehiyo, laking-kalye ang TV host, kaya maganda man ang kanyang intensiyon ay kabaligtaran nu’n ang rumerehistro sa manonood dahil sa pabarubal niyang pagbibitiw ng mga salita sa ere.

Sabi nga sa mga tindahan sa probinsiya, “Your credit is good, but we need cash.”

Maganda ang kanyang intensiyon, wala siyang anumang hangad na bastusin ang dating lider na malapit sa kanyang puso, kaibigan niya ang pamilya at hindi si Willie ang makasisikmurang bastusin ang mga taong mahal niya.

Nagpaliwanag agad siya kinabukasan, sinabi niya na ang ayaw lang niyang lumabas ay nagsasaya pa sila sa loob ng studio habang nagluluksa ang buong bayan dahil sa pagpanaw ni Tita Cory, may naging pagkukulang si Willie sa puntong ‘yun.

SA pag-aakala niyang hindi lalawak at lalalim ang simple niyang saloobin ay nakaligtaan niyang sabihin sa ere na nagkaroon na ng insidente bago pa sila nag-show nang live nu’ng tanghaling ‘yun.

Sana’y nasabi ni Willie na nakiusap na siyang huwag magsingit ng mga kaganapan sa funeral rites bago sila nag-show, pero ginawa pa rin ‘yun ng traffic division ng network, kaya napilitan na siyang magsalita sa himpapawid.

‘Yun kasi ang totoong nangyari, sa taping pa lang ay nakiusap na siya, pero nagkarga pa rin ang istasyon ng mga eksenang sa panlasa ni Willie ay hindi magiging maganda dahil taliwas ‘yun sa pambansang emosyon ng sambayanan.

Sa hindi niya kagandahang pagsasalita hinusgahan si Willie, ipinako siya sa krus ng paghusga, sinamantala naman ‘yun ng mga taong matagal na siyang gustong makitang nakatihaya dahil kinabog niya at ng kanyang show ang mga programang naghahari-harian noon sa rating.

Lumaganap ang kampanyang negatibo tungkol sa kanya, pinagpipistahan siya sa internet, hanggang sa pati ang MTRCB at ibang organisasyon ay pumasok na rin sa eksena at kinontra ang kanyang ginawa.

NU’NG NAKARAANG SABADO ay hindi nag-show si Willie, kung darating na siya ngayon sa Wowowee ay wala pang nakakaalam, maraming nagpapalagay na sinadyang huwag mag-show ni Willie dahil ang pakiramdam niya’y wala siyang kasama sa laban.

Galit nang nagpahayag ang kanyang direktor na si Mr. M, sinabi nito na dapat ay noon pa nagpalabas ng official statement ang network na hindi si Willie ang may kasalanan at naging reaksiyonaryo lang ang TV host, pero hanggang ngayon ay wala pang ginagawang pagkilos ang istasyon para isalba si Willie sa galit ng bayan.

Siguradong ang tanong ngayon ni Willie ay nasaan na ang esensiya ng palaging isinisigaw ng ABS-CBN na Kapamilya, naramdaman ba ‘yun ni Willie habang ginigisa siya ng bayan, nagkaroon ba ng proteksiyon sa kanya ang ABS-CBN?

Naiisip din siguro ni Willie Revillame, hanggang sa salita lang ba ang pagiging Kapamilya, pero hindi naman ‘yun nagaganap sa totoong buhay?

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

17 thoughts on “Mr. Johnny Manahan, ipinagtanggol si Willie Revillame by Cristy Fermin

  1. ETO NA NAMIN ITONG SI CRISTY! YUNG TANONG NYA NA ANG “KAPAMILYA ” BA AY SALITA LAMANG??? YAN ANG HIMUTOK NYA NUNG DI SYA IPAGTANGGOL NG ABS-CBN BAGKUS AY SINIPA SYA..ALAM MO BA KUNG BAKIT?? KASI ANG TUNAY NA KAPAMILYA DI KUMUKUNSINTI SA KABASTUSAN NG MIYEMBRO NITO BAGKUS SILA AY NAGTUTURO SA MGA ITO NG LEKSYON PARA MATUTO! YAN ANG GINAWA SA YO AT KAY WILLIE! KASO DI KAYO MARUNONG MATUTO!

  2. in my opinion, maling mali ang abs na pagsabayin ang wowowee and the tita cory updates.

    i think ayaw lang mawalan ng ratings ng abs kaya hindi nila malaman kung alin ang aalisin sa screen para walang maglipat ng channel. so this is what you get. and you allowed willie to suffer alone for it. mayaman na si willie eh, and he has health problems, he can leave the show anytime. he has more than enough money and properties to have a good life.

    i concede abs shows are way better. pero nakakainis ang abs, kapamilya kuno pero sila-sila sa loob hindi nagkakasundo. sa totoo lang, diyan ako bilib sa ibang istasyon.

  3. johnny m has a point. now his network the so called kapamilya network has left him to fend for himself. ang laki ng problema ng abs kapag umalis si willie. the bottomline is no one right now can make his show as popular as it is aside from willie. may mali si willie because he has a temper problem pero people overreacted and persecuted him beyond what is necessary. kung ang mga kritiko ni tita cory ay galit kay willie, sana maisip niyo rin na tita cory would not be happy with the name-calling and persecution you are doing against willie. diba nga dapat peaceful revolution. eh ung iba kung mag comment parang sobrang sama naman ng mga sinasabi.

  4. Mga Wille haters nandito na naman inuuna kasi ninyo yun galit ninyo… Parang si Willie lang nakagawa ng pagkakamali mga PI ninyo magbago na kayo ahahaha

  5. SI CRISTY MALAPIT SYO PAG MAY PERA KA LAGING INAABOT!PAG LAOS KANA LIMOT KANA RIN NYA!DBA CRISTY AMININ…

  6. SINADYA TALAGA NI WILLIE NA DI SUMIPOT SA SHOW NYA LAST SATURDAY PRA SIYEMPRE HANAP-HANAPIN SYA NG MADLA,MAKAAWA METHOD!ANG IKINASASAMA LANG NG MADLA AY PAGIGING MAYABANG NITO AT KELANGAN PANG SABIHIN ON AIR SANA OFF CAM NLANG DI YUNG BUONG MUNDO NYA PA SINABI!GANYAN NAMAN YAN SI WILLIE KUNG MANGLAIT SA STAFF NYA ON AIR!SO THAT PEOPLE WILL KNOW HE IS A POWERFUL PIECE OF SHIT!BABAGSAK KRIN WAG KANG MAKA ASTA DAHIL MAY PERA KNA NOW!SA SUSUNOD MAG ISIP KA MUNA BAGO KA MAGDADAK DAK ON AIR!THATS RIGHT!!!

  7. Patalsikin na si Willie! This is long overdue, and Willie deserves not to be on Tv. Bastos, parang feeling high and mighty na. Medyo nakaktuwa pa siya nung mga MTB days nila Randy, John, etc… Pero Willie was the cause why pinatay sa ere ito, even Dennis Padilla nga galit dito kasi there so many of them in that noontime show. Now, you would really wonder pano nagkaswerte ang ganitong tao na puro kaplastikan lang. I don’t understand people who can’t see the reall Willie Revillame.
    Anyway, God in His own time only knows.

  8. May point si Direk Manahan. Masagwa naman na gigiling giling ka habang ang burol ni Tita Cory ay ipinapakita. Hindi ba mas walang respeto pag ganoon? These are 2 different moods and emotions. Sa Wowowee, galawgaw, habang kay Tita Cory, dapat solemn. Hindi lang marunong nang diplomasya si Willie sa pananalita pero ang intensiyon niya ay marangal.

    • tama po kayo. sana matapos na yung mga paninira kay willie. agree ako na dapat magbago siya ng ugali na hindi na niya pagagalitan ang staff niya on-air pero sobra sobrang below the belt ang mga kritisismo sa kanya. kung gusto natin buhayin ang diwa ng edsa, dapat magkapatawaran na. tigilan na to.

  9. Ang kapamilya , pag may kasalanan dapat parusahan , pag baluktod ay dapat ituwid . Tama lang ang ABS CBN na tanggalin sa Willie . Dapat nga noon pa. Ang kanyang inaasal na hindi marunong rumespekto sa kapwa tao na ipinapakita nya sa mga kasama nya sa trabaho . Wala syang respeto sa mga babae na kasama nya sa Wowowee lalo na sa kanyang mga dancers . I watch Wowowee every now and then but when I see the way Willie talk to people with no respect , I change the channel . Kayang kaya ni Pokwang with the other co -host dalhin ang wowowee .

    • so disappointing of joey de leon. dapat maging peacemaker siya, hindi taga sulsol sa gera. maling mali. para sa akin masmali pa ang ginawa niya kaysa kay willie kasi yung sa kanya may malisya.

  10. buwahahah!
    cristy fermin is sharing the same bitterness with willie as when their network didnt throw a glimpse on their sides…

    Magsama kayo ni willie! dahil pareho kayong balahura!

Leave a Reply

Your email address will not be published.