Mr. Fu, wala na raw issue kay Ruffa Gutierrez

PARA KAY MR. Fu, wala nang issue sa pagitan nila ni Ruffa  Gutierrez. Hindi man daw sila nagkausap nang personal, pero they were able to communicate naman daw through text.”

“I supposed nagkaintindihan na naman kami ni Ruffa, na okey na kami. Okey na sa pagitan naming dalawa,” aniya nga nang makausap namin sa Paparazzi last Saturday.

Birthday party ni Ruffa kinagabihan noong Sabado. Pero nag-decide daw si Mr. Fu na huwag na lang magpunta.

“Siyempre no’ng bago siya mag-tweet, in-invite naman talaga niya kami. Pero hindi naman siguro rin nararapat na nando’n kami (mga naging co-hosts ni Ruffa sa Paparazzi) because of the issue.

“So, okey lang. Kasi mas maganda na i-celebrate niya iyon na kasama ‘yong talagang mga kaibigan niya. Kasi iyon naman ang essence ng birthday, ‘di ba? Maging masaya.”

Hindi ba siya kinabahan sa kung ano ang magiging desisyon ng management kaugnay ng nangyari?

“Uhm… ako kasi, sabi ko nga… alam ko namang magiging fair ‘yong TV5. Kung may imbestigasyon man na mangyayari. So, tatanggapin ko whatever na magiging pataw na parusa kung meron man. Pero it seems na wala naman. Kasi nagsalita na rin naman ang MTRCB, na wala naman kaming na-violate na rules sa MTRCB. So, ang kagandahan lang nito, the show must go on. And life goes along.”

Walang Bulong Ng Palad segment kahapon. Tinanggal na ba ito sa show?

“Actually, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin, pero dapat meron. Si Daniel Matsunaga. Hindi siya dumating. Baka natakot sa bulong! Hahaha! Pero ang pasabi, na-food poison daw. Iyon ang sabi.”

So, sila at ang show ang kinatigan ng Kapatid Network?

“Ako naman, sabi ko nga, nani-niwala ako na ang Paparazzi eh, may mga hardworking and talented staff. At pinagpapaguran nila ang show. So, siguro nakita rin naman ‘yon ng management, na hindi naman ito basta-basta naisip lang. Na paggising nila eh, heto na ang gagawin nilang show.”

Siya ang parang napagdiskitahan din ng mommy at manager ni Ruffa na si Annabelle Rama na parang bastos ang naibulong na tanong. Hindi siya natakot  na baka kumprontahin siya at awayin nito?

“Actually nabasa ko ang mga tweets niya (Annabelle). At nabasa ko rin ‘yong kay Ruffa. In fairness naman sa kanilang dalawa, hindi naman talaga nila ako pinin-point na ako ‘yong kinaiinisan nila. Ang nangyari, ‘yong mga writers at saka ‘yong buong staff ng show talaga ang galit sila, eh.”

Alam daw ni Ruffa na may Bulong Ng Palad. Pero hindi raw nito alam na may kabastusan ang mga tanong.

“Kasi, magkahiwalay kaming brinief bago magsimula ‘yong segment. So, brinief siya nang siya lang. And then, brinief kami nang kami lang. So, hindi ko alam kung ano ang sinabi no’ng briefing sa kanya. Basta kami, kung anuman ‘yong mga tinanong naming eh, iyon ang brinief sa amin.”

Sa pag-alis ni Ruffa sa show, ano ang kanyang nararamdaman?

“Nalulungkot kami. Kasi, si Ruffa ang nagsimula ng Paparazzi, at saka si Nanay Cristy at si Dolly. Tapos, siya ‘yong aalis. ‘Di ba? Pero siyempre, nirerespeto namin iyon. Nirerespeto ko kung iyon ang desisyon niya, na umalis. ‘Di ba? Kasi, kung sa tingin niya hindi na siya masaya ro’n sa programa, pangit naman na pilitin siya. ‘Di ba? At saka, Ruffa Gutierrez siya. Hindi siya mawawalan ng show. Magkakaroon at magkakaroon siya ng proyekto sa TV5,” sabi pa ni Mr. Fu.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

5 thoughts on “Mr. Fu, wala na raw issue kay Ruffa Gutierrez

  1. She craves for attention at acted like a diva but no diva naman. Mga G family talaga walang class at maarte. Somebody hinted na PAL daw si Eddie kaya di nya macontrol si Bomberang Annabelle. May katotohan din kasi he hasn’t been working for awhile kawawa naman siya – depended on others for his basic needs. He should have ended up with Susan o kaya Amalia he would have been more whole as a person – just my opinion. Instead he ended up with this vile and combative, iskandalosa Annabelle.

  2. tigilan na ako ng laosian deep na ruffang yan! gusto lang palang lumipat sa siyete e di lumipat sya!!! di sya kawalan sa paparazzi! luma na ang style nya! manang mana sa ina! talagang ang santol ay di pwedeng magbunga ng apple! yun lang!

Leave a Reply

Your email address will not be published.