Mr. Fu, si Enchong Dee ang gustong maka-date sa Valentine’s Day!

BONGGA, MASAYA at riot talagang makatsikahan ang magaling na host ng Jeepney Jackpot, Pera o Para ng TV 5 na si Mr. Fu, lalo na ng matanong ito kung sino ang kanyang crush at walang kagatul-gatol na si-nabi nitong si Enchong Dee.

Kuwento pa ni Mr. Fu, wala naman daw siyang ibang crush, dahil nag-iisang crush lang niya ang ABS-CBN star. Noon pa raw ay malaki na ang paghanga nito sa swimmer/actor dahil na rin daw sa mabait at looks nito.

Dagdag pa nga nito, minsan na niyang biniro ang binata at sinabihan niyang crush na crush niya. Pero imbes na mapikon o magalit daw si Enchong ay ngumiti lang ito sa kanya na naging dahilan para magka-crush lalo siya rito.

At dahil nga sa type niya ang binata, nag-aral daw siya ng swimming dahil alam daw nito na swimmer si Enchong. Kaya nga nang matanong ito kung sino ang gusto niyang maka-date ngayong Velentine’s Day, tuwirang sinabi nito na si Enchong Dee at wala nang iba.

 

PAG-IISIPAN DAW mabuti ng isa sa host ng pinakabagong show sa telebisyon, ang Jeepney Jackpot, Pera o Para ng TV 5, na si Valeen Montenegro kung saka-sakaling aalukin siya muli ng ABS-CBN na bumalik sa kanila at bigyan ng hosting job.

Very honest nitong sinabi na hindi niya iti-turn down ang alok, pero pakakaisipan niyang mabuti kung tatanggapin niya ba o hindi ang alok ng Kapamilya Network kung saka-sakaling mag-offer ang mga ito.

Thankful daw si Valeen sa ABS-CBN dahil dito siya nag simula. Pero very thankful naman siya sa TV 5 dahil ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong mag-komedya at maging host. Hindi nga raw inaakala ni Valeen na marunong pala siyang magpatawa at mag-host at TV 5 ang nagbukas ng pinto para ipakita ang iba pa niyang kayang gawin.

Pero sa ngayon daw, hindi niya ka-yang iwan ang pagi-ging host ng nasbaing show. Nag-e-enjoy raw siya nang husto rito with Mr. Fu na click na click ang kanilang pagsasama. Bukod pa sa happy siya sa pagbibigay-saya sa ating mga kababayan through cash prizes, pangkabuhayan showcase, at tricycle na ibinibigay nila sa mga nanalong pasahero (contestant ).

 

EXCITED ANG newest singing heartthrob na si Xavier Cruz dahil makakasama siya bilang isa sa special guest sa concert ni Angeline Quinto na magaganap sa SMX Mall of Asia sa Feb. 14  together with Vice Ganda at  Michael Pangilinan.

First time daw makakatrabaho ni Xavier si Angeline, kaya naman daw masasabi niyang dream come ang makatrabaho niya ang sikat na sikat ngayong diva/actress ng Kapamilya Network.

Hindi nga raw inaakala ni Xavier na kahit sobrang bago pa lang siya sa mundo ng musika ay mabibigyan na siya kaagad ng pagkakataong magkaroon ng konsiyerto kasama ang mga sikat na artista’t/singer na sina Angeline, Vice Ganda at Michael. Very thankful nga ito kay Atty. Ferdinand Topacio na siyang tumutulong sa kanyang career at sa kanyang very supportive father na si Mr. Alex Cruz.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Mr. Fu, si Enchong Dee ang gustong maka-date sa Valentine’s Day!

  1. anu ba tong mga starlet ng tv5 bakit gamit na gamit lagi ang ABS CBN sa mga interview sa kanila!!!!! magpropromote na lang ng mga flop nilang show need pa gamitin ang ABS CBN kakapal ng apog!

Leave a Reply

Your email address will not be published.