Mr. Fu, numero unong social climber?

ITO NA ANG da height noong launching ng Biblio, ang coffeetable book ng mga talents ng PPL owned and operated by Perry L. Lansigan noong Biyernes sa may Establishment at The Fort, kung saan nakausap namin si Mr. Fu in between takes niya para sa segment niyang Paparazzada sa Paparazzi ng TV5.

Tawa kami nang tawa nang sabihin niyang, “Ako na, ako na ang numero-unong social climber. Imagine kung saan sila, ‘andu’n ako, hahaha!” pabiro pa niyang sabi.

“Naki-ki-level talaga ako sa sikat at minsan nang-ookray pa, pero for fun lang lahat.” Kuwento pa niya sa amin, “Alam mo Kapatid, binabasa ko ang kolum mo at mga headlines ng Pinoy Parazzi sa radio program ko sa WOW FM 103.5, 8am to 11 am ang program ko, at may mga showbiz segment ako ‘yung Showbiz Fu at kadalasan sa Pinoy Parazzi ako kumukuha ng showbiz balita.”

So ito na ‘yun Mr. Fu, aabangan namin ang iyong komento on air sa article na ito, hahaha! “You already, ikaw na at meganu’n,” ang mga linyang nagpasikat sa dating news reporter ng RPN 9. Keep up the good work, Kapatid!

 

SA NASABI PA ring launch ng coffeetable book, bongga ang presen-tasyon ng mga 14 talents ni Sir Perry Lansigan dahil may kanya-kanya si-lang rampa patungo sa kani-kanilang very creative portrait created by Mark Nicdao. Present sa nasabing launch sina Dingdong Dantes, Janno Gibbs, Carl Guevarra, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Wilma Doesnt, Gabby Eigenmann, Wendell Ramos, Carlo Gonzales, LJ Reyes at Max Collins. Hindi nakarating si Geoff Eigenmann dahil nasa Amerika ito.

Pagkatapos mismo ng presentasyon ng PPL talents, biglang nagkagulo ang media dahil dumating si Andi Eigenmann bilang suporta sa kanyang Kuya Gab. Pinalibutan agad ng mga TV camera si Andi, pero ayaw nito talagang magpa-interview. Kinulit-kulit na lang namin kaya naman nakapagbitiw ito ng ilang mga salita.

“Masaya naman ako, ‘yun lang,” ang unang matipid nitong sagot sa tanong ng press kung kumusta na nga ba siya. Tuloy pa rin ang tsikahan nila ni Megan at Lauren Young, pero mapilit pa rin kami sa aming kagustuhang makahingi man lang ng kahit anumang soundbytes para sa Paparazzi.

Handa ka na bang maging ina, ang sunod naming tanong sa kanya na matipid naman niyang sinagot nang, “Yup, medyo,” sabay tayo at magsi-CR lang daw siya. Medyo malaki na rin ang tiyan ni Andi na nasa ikaanim na buwan na niyang pagdadalan-tao.

 

ISANG KAIBIGAN MULA sa GMA-7 ang nag-text sa amin. Tsika niya, “Friend may narinig akong bulung-bulungan sa mga make-up artists, hindi naging malinaw sa akin lahat pero ang talagang malinaw kong narinig ay maliligwak na raw (ligwak talaga ang term oh) si Rhian Ramos sa ‘In The Limelight’?”

Textbak-tanong namin, bakit daw? Sagot niya, aalamin daw niya. May-I-text naman ako sa kaibigan namin from the show pero as we go to press, wala pa rin siyang sagot.

Pero isa pang kaibigan namin mula sa kabilang istasyon ang nagkumpirma pa ng balita na, yes, aalis na nga si Rhian sa show at pinabulaanan niyang maliligwak ito. Hindi na raw kasi kakayanin ni Rhian ang magkaroon ng daily showbiz show dahil nakatakda niyang simulan ang teleseryeng Sundo kasama si Dingdong Dantes.

Papalit naman kay Rhian si Iza Calzado. Nakitaan na rin naman ng galing sa pagho-host ng showbiz stories si Iza sa 24-Oras kapag nagpi-pinch-hit ito kay Pia Guanio. ‘Yun na!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

6 thoughts on “Mr. Fu, numero unong social climber?

  1. well, magkalevel lang sila ni vice ganda na SIMPLY ANNOYING, trying-hard, attention-deficit at self centered. Ang kaibahan lang nila, mas sikat si vicey ‘d horsie.

  2. MAS NAKAKAALIW SI MR.FU KAYSA SA BAKLANG VICE GANDA NAKAKASAWA NA AT CORNY NA ITONG SI VICE LAOS NA SI VICE KASO PINAGPIPILITAN PA RIN NG ABS NA MAY NAAALIW PA SA BAKLANG MASAMA ANG UGALI

  3. itong mr. fu na ‘to ay SIMPLY ANNOYING, trying-hard, attention-deficit at self centered na palakang kulugo. nakakabwesit panuorin pag nagbabalita kasi lahat na lang ng news subjects nya ay pilit ikabit sa sarili nya. Imbes na yong subject nya ang paguusapan, minamaniubra nya ang topic para mapunta sa kanya ang usapan. equally annoying ay ang kanyang mga pinauso kunong mga tag lines na pilit din nyang sinisingit kahit off. as if naman sya talaga unang nakaisip ng mga ganong catch phrase e kinukopya lang naman din nya sa mga naririnig nya sa kalye tapos kiniclaim na nya na sya original. pwede ba, lusawin na ‘tong palakang ‘to para mabawasan ng mga eye-sores at nakakahiyang specie ang shobiz. I’m sure hindi lang ako ang nakakapansin nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.