Mr. Fu, nilalapirot ang wetpaks ng male stars sa dressing room!

OVER NA RAW ang kabastusang ginagawa ng DJ/ host/ comedian na si Mr. Fu sa mga artistang lalaking kasama nito sa dressing room sa Sunday variety show ng TV5 ang PO5.

Feeling daw yata ni Mr. Fu, nasa gay bar siya sa tuwing nasa dressing room siya, dahil ganu’n-ganu’n na lang daw kung lapirutin nito ang mga puwet ng mga artistang lalaking naiinis na sa ginagawa sa kanila ng mahalay na DJ/ host/ comedian na mukhang enjoy na enjoy sa kanyang ginagawa.

Okey lang daw kung isang beses at biro lang ang ginawa ni Mr. Fu. Kaso raw, palagi at paulit-ulit daw nitong ginagawa  sa mga artistang lalaking kasamahan nito sa show tuwing Linggo, na ayaw nang ipa-mention ang mga pangalan.

Nababastos na nga raw ang mga ito sa kabalahuraan ni Mr. Fu at anytime daw na ulitin pa nito ang panghihipo sa kanila, makatitikim daw ito ng mag-asawang sapak na may kasamang tadyak.

Ang ikinatatakot pa raw ng mga lalaking artistang ito ay ang dumating ang oras na ang pututoy na nila ang dakmain ni Mr. Fu, dahil sa naka-first base na ito sa paglapirot sa kanilang puwet.

Ang tanong? Alam kaya ng mga big boss ng TV5 na sina Mr. Manny V. Pangilian, Sir Percy Intalan, Mr. Nelson at iba pang executive ng TV5 at PO5 ang kahalayang ginagawa ni Mr. Fu sa dressing room ng mga lalaki? Well if not, siguro dapat nang kausapin ng mga ito ang mahalay na DJ/ host/ comedian bago magkaroon ng sapakan at tadyakan sa loob ng dressing room ng mga lalaki. ‘Yun na!

GRABE ANG IMPACT ng pagiging magaling na kontrabida ng hinahangaan naming de-kalidad na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez, dahil na rin sa role na ginagampanan nito sa top rating afternoon show ng GMA-7, ang Koreana na pinagbibidahan ni Kris Bernal.

Narinig kasi namin sa umpukan ng mga may-bahay sa Manggahan, Gao, Quezon City ang usap-usapan kung gaano sila kamuhi kay Ms. Sylvia. May nagsasabi pa nga na: “’Pag nakita ko talaga ‘yang si Madam Sandra (role na ginagampanan ng mahusay na aktres) sasabunutan ko talaga ‘yan, grabe siya kung pahirapan si Jenna (role na ginagampanan ni Kris)!” Habang ang isa naman, sasampalin daw si Ms. Sylvia kapag nagkaharap sila.

Ito lang ang pagpapatunay kung gaano kaepektibong artista si Ms. Sylvia. Dahil sa galing niyang umarte ay nagagawa nitong mamuhi sa kanya ang mga manonood ng Koreana. Kaya naman habang dumarami ang nagagalit kay Ms. Sylvia sa role na ginagampanan nito, siya namang pagtaas ng ratings nito.

Bukod sa Koreana, isang pelikula mula sa Star Cinema ang nakatakdang gawin ni Ms. Sylvia kung saan makakasama nito ang top stars ng ABS-CBN na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo bago matapos ang taon.

DAHIL SA PAGSALI sa Mr and Ms Olive-C Campus Model Search na gaganapin sa Oct. 28 sa SM North Edsa Skydome ni Hiro Jennel Magalona (pamangkin ni Francis Magalona), nakilala at nakausap niya nang personal ang kanyang pinsan na si Maxene Magalona nang mag-guest at mag-promote ang mga candidate ng Mr and Ms Olive-C, kasama ang guwapo at matatangkad na binata sa Tweetbiz, kung saan regular host si Maxene.

Through Gorgy Rula, ipinakilala nito si Jennel kay Maxene, kung saan nagulat si Maxene at siya pang lumapit kay Jennel para kausapin ito, sabay sabing: “Kamukhang-kamukha siya ng pinsan kong si Bryan. Saka sila nagpakuha ng litratong magpinsan sa cellphone ni Maxene.

May mga staff na nagsabing bagay raw na maging magka-loveteam sina Maxene at Jennel na sinagot ni Maxene ng, “Hindi puwede, pinsan ko ‘to.”

Pagkatapos ng interview at habang naka-break, muling nag-usap sina Maxene at Jennel. Dahil sa tagal ng panahon ay doon lang sila nagkakilala. Tanging ang ama lang kasi nitong si Francis at ang lolo nitong si Juancho Magalona ang bumibisita sa bahay nina Jennel. Inilagay pa ni Maxene sa kanyang Twitter account ang kanilang litrato ni Jennel at sinabi nitong masaya siya dahil nakilala niya ang kanyang pinsan.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

10 thoughts on “Mr. Fu, nilalapirot ang wetpaks ng male stars sa dressing room!

  1. naku..etong mga starlet ng TV5 maswerte nga kau at napapansin ang pwet ninyo ni Mr. Fu ibig sabihin may elya pa kau..ma schock kau kong di kau pinag nanasaan

  2. teka nga muna… bat ikw ang nag reak? im sure na inbyerna ka Lang kac d mO ma gawa ang mga na gawa ni Mr. Fu at isa pa, kung 22o mang may ngyayaring gnyan sa backstage, nakrating na cguro din yan sa mga executive ng TV5 nOh! bat ikw ang affEctEd? kng ikw kya ang i-churva ni Mr. Fu? Like mO? ahahaha

  3. I’m sure naman na hindi na mga batang lalaki ang mga nahahawakan ni Mr Fu ng puwet (kung totoo man). So siguro kung talagang offensive nga sa mga lalaki iyong pinaggagawa ni Mr. Fu ay kayang-kaya na ng mga hombre na upakan siya. Hindi naman malaking tao o macho man lang si Mr. Fu para matakot ang mga lalaki sa kanya. Wa issue ito, inggit lang ang mga bading na nagkakalat!

  4. …..ay may selos factor tong isang bakla hahahahahah wishing aling kabang ikaw si Fu para ikaw din ang humawak sa puwet ni andrew wolf? hahahaha wag ka na mag selos day…….

  5. ay may selos factor tong isang bakla hahahahahah wishing aling kabang ikaw si Fu para ikaw din ang humawak sa puwet ni andrew wolf? hahahaha wag ka na mag selos day.

  6. Calling Executives of TV5 -Mr. MVP kong totoo man itong mga malaswang ginagawa ni Mr. Fu, kailangan bigyan ito ng leksyon. At sa mga artista na hinipo ni Mr. Fu, you need to file Sexual Harrassment to TV5 kasi si Mr. Fu is under their network so TV5 is likewise liable sa mga ginagawa ni Mr. Fu. Kung totoo man ito, don’t let this pass para hindi na nya gawin sa iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published.