Mr. Fu, grabe ang panlalait sa isang GMA Tweenstar!

DUMAGSA ANG tawag at text sa amin noong isang araw mula sa mga tagahanga ng Tweenstar at PMPC Star Awards For TV 2011 Best New Male TV Personality na si Teejay Marquez na nagsusumbong na nilait-lait daw ni Mr. Fu sa kanyang radio program ang kanilang idolo.

Nabasa raw kasi ni Mr. Fu ang hula sa young actor na makakabuntis ngayong taon na lumabas dito sa Pinoy Parazzi, at habang binabasa nito ang nasabing artikulo ay patawa-tawa raw itong nagda-dialogue ng “Sino siya? Hindi ko siya kilala!” na ikinainis ng mga tagahanga ng Tweenstar.

Tsika nga ng mga ito, na para naman daw super duper sikat si Mr. Fu kung makapanglait ng artista, samantalang isa rin ito sa maituturing na starlet sa industriya. Kung tutuusin nga raw, ‘di hamak na mas matagal na siya sa industriya, na taon na ang binibilang mula pa sa pagho-host sa pipitsuging show nito sa RPN 9 yata ‘yun bago napunta sa TV5.

Kumpara kay Teejay na 8 months pa lang sa showbiz, pero ilang shows na ang nagawa mula sa Blusang Itim, Tween Hearts, Master Showman, Ikaw Lang ang Mamahalin, at  Time of My Life, at sa pagwawagi nga sa Star Awards 2011 ng Best New Male TV Personality.

Dagdag pa ng galit na fans ni Teejay, tingnan daw muna ni Mr. Fu ang kanyang status sa showbiz bago siya manlait ng ibang artista, dahil kung si Kuya Boy Abunda nga raw at Tim Yap na ‘di hamak na mas sikat sa kanya eh, hindi marunong manlait , siya pa na wala pa namang napapatunayan. ‘Yun na!

 

FROM DIRECTING movies, mukhang mas nag-e-enjoy na nang husto ang magaling at mabait na director na si Jay Altarejos sa pagdi-direk ng teleserye sa Kapuso Network, at ang bago nga nitong proyekto ay ang inaabangang primetime soap ng GMA-7, ang  Legacy, na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Heart Evangelista, Alessandra De Rossi, Mike Tan, Sid Lucero at Geoff Eigenmann.

Tsika nga ni Direk, masyado siyang busy sa TV, kaya naman daw halos isang taon din siyang nama-hinga sa paggawa ng pelikula. Akala raw kasi nito noong una, kaya niyang pagsabayin ang telebisyon at pelikula, na nagkamali siya dahil malabo pa itong mangyari.

Pero nangako naman si Direk Jay na bago matapos ang taon, baka makagawa siya ng pelikula na pang-Cinemalaya, kaya naman daw sa mga naghihintay na makapanood ng bago nitong pelikula, malaki ang posibilidad na this year ay mangyari ito.

At kung gagawa nga raw ng pelikula si Direk Jay, tinanong namin siya kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa hanay ng mga kabataang artista na sa tingin niya ay may potensiyal na maging future drama king at queen. At walang kaabug-abog na sinabi nito na ang Tweenstar na si Kristoffer Martin ang nakikitaan niya ng potensyal, dahil magaling at may lalim daw itong umarte.

Kaya naman daw dapat itong tutukan at alagaan ng GMA-7 para madagdagan pa ang line-up ng leadingman ng Kapuso Network. Isang malaki at tamang proyekto lang daw ang ibigay rito, isa na namang bagong leadingman ang mapo-produce ng GMA-7.

 

HANGGANG NGAYON, wala pa ring balak sumabak sa pagpapa-sexy bilang pabalat ng men’s magazine ang isa sa star ng Legacy na si Ryza Cenon. Ayon kay Ryza, na a super sexy nang humarap sa mga press sa prescon ng Legacy, until now ay wala pa sa isip niya ang mag pose ng sexy sa Mens mag.

Okey na daw sa kanya ang magpaka-daring sa kanyang mga nagiging eksena sa mga shows kung saan siya kasama, kaya daw niyang magkaroon ng bed scece o maging kissing scene kahit torrid pa ito, pero ang hindi niya kaya ay makita nag kanyang sarili sa pabalat ng men’s magazine na super sexy ang suot.

May tamang panahon daw para sumabak siya bilang cover girl ng men’s mag. Hindi naman daw siya nagsasalita nang tapos, pero this year daw ay mukhang malabo pa rin kahit marami na ang humihikayat sa kanya.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

19 thoughts on “Mr. Fu, grabe ang panlalait sa isang GMA Tweenstar!

  1. Malay nyo naman hindi nanonood ng 7 si Mr. Fu kaya hindi nya kilala yan. (Well kahit ako hindi ko sya kilala.) Pag hindi ba nya kilala eh ibig sabihin hindi na sikat? Kayo namang mga fans judgemental agad kayo, wala sa ebanghelyo yan. WAHAHAH. Hindi sikat. Commoner. Starlet. WAHAHHA.

  2. para sainyo po lahat to.. kay Mr.FU at sa mga nagcocomment ng negative. Sna po think before you talk or type. sabi nga po “kung ayaw mo gawin sayo wag mong gawin sa iba” sana po maging aware na lang tayo kasi may mga bagay po na hindi naman dapat na di nman kailangan sabihin lalo na kung alam nyong ikasasama at ikasasakit ng iba. I love Teejay!!! He’s so bait! sna sumikat sya!

  3. yung pagmumukha ni mr. fu, yung mukhang hayok na hayok sa lalake……kainis ang fezzz……di naman sikat yan, ka-corny ng mga jokes at pinagsasabi….

  4. Akala ko naman kung anong klaseng panlalait! Ang OA naman ng John Fontanilla na to. Eh ano naman kung hindi sikat si Mr. Fu. Kahit na karaniwang tao pag tinanong mo at sinabing hindi kilala ang isang artista hindi naman ibig sabihin eh nanglalait na. Gumagawa lang kayo ng issue para pag-usapab yang tweenstar na yan.

  5. kahit kapuso ako, hindi ko rin kilala yung bagets eh, mas kilala ko si mr.fu. blusang itim, time of my life, pinanood ko yan kaso ni hindi ko alam na andun sya. sino na nga sya ulet? lol

  6. SI TIM YAP hindi marunong manlait? EH SAKSAKAN nang plastikada ang baklitang yun eh. Super plastic. Addict pa,

    At ikaw naman JOHN FONTANILLA… akala mo ba hindi alam ng mga showbiz insiders na nilakad lang ang pagkakapanalo ng alaga mo

    TEEJAY is adorable pero pls lang… he didn’t deserve the award. Taga-PMPC na ang nagsabi sa amin n’yan!

    Huwag mo nang alamin kung sino dahil baka magulat ka!

    Chaka!

  7. di q rin masisisi si Mr.fu kc nga naman di talaga popular yung starlet na Teejay. Kh8 pa kam0 madami ng nagawang sh0ws yan kung ndi talaga xa tumatatak eh. Still unkn0wn. Di ba nga sa party pilipinas pag may nagpeperform lumalabas name nila sa screen para lang makilala. Karaniwan kc sa mga artist ng GMA7 eh di ganun kasikat. Gets

  8. Baka cgro gustong magpa kontrebersyal netong c Fu na starlet na starlet ang dating.  Natuntong lang sa tv5 kala cgro nya eh big star na cya. Wala nmn kayang nag rerate sa mga shows ng tv5.  Sad to say, palagi clang poor third when it comes to ratings.  Marami nga clang mga bigtime na artista in the likes of sharon, aga, nora, lorna, ropa  atbp. pero the big ??????? Is nag rerate ba nmn. The only programs na lam kong nakikipgsabayan paminsan minsan eh ang show ni bossing n ryan minsan c willie.  Kaya Mr. FUngus wag kang parang langaw na natuntong sa kalabaw.  You re still a NOBODY me ganun.

  9. PALAGAY KO NAISNAB ITONG BALAHURANG BAKLANG FU NA ITO NI TWEENSTAR………HAHHAHAHAHA………HAYAN AT NAG LITANYA SA KANYANG WALANG KUENTANG RADIO SHOW…………BAKLANG MANIAC!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.