Mr. Fu, balik sa dating radio station

AYAN, HA? Sinabi sa amin ni Mr. Fu na excited siyang balikan ang dati niyang istasyon kung saan dito talaga nahasa ang kanyang galing sa pagdi-DJ, at dito rin nabuo at naging konkreto ang pangalang ‘Mr. Fu Mehganu’n? Na siyang tawag na sa kanya kahit saan man siya magpunta.

Bukas na nga alas-otso ng umaga hanggang alas-onse ay maririnig na ulit natin si Mr. Fu sa 106.7 Energy FM dahil tinapos na niya ngayong araw sa pamamagitan ng resignation ang kanyang stint sa WOW FM. Ayan mga pangga, abangan na ang tagabulabog sa buong universe na si Fu na patatawanin kayo sa kanyang mga nakakatawang punchline na siya lang ang may kayang magbitiw sa ere. Go, mga pangga!!!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Comments are closed.