Moymoy Palaboy, may kanya-kanya nang tirahan

Moymoy-PalaboyNAGBUNGA NA rin ang pagtitiyaga ng magkapatid na sina Rodfil at James Ronald na mas nakilala sa Bubble Gang na Moymoy Palaboy.

Dati, hirap na hirap sila sa pamumuhay. Naiiyak at damang-dama pa rin nila ang masakit na pagpanaw ng kanilang magulang. Dahil hikahos sa buhay, hindi nila nagawang ipagamot ang may sakit nilang magulang.

“Siguro kung may pera lang kami noon, baka hanggang ngayon ay buhay pa sila (kanilang magulang). Magmula noon ay nagpursige na kami para mabuhay at huwag nang maulit ang nangyaring pagdurusa namin sa buhay,” say nang magkapatid na Moymoy Palaboy.

Dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanila ni Direk Cezar Cosme at GMA 7 na mapasama sa Bubble Gang, may   kanya-kanya na silang tirahan at kotse na hinuhulugan.

Bukod sa  Bubble Gang, abala si Ronald sa kanyang business at si Rodfil naman ay dalawang taon nang nagsusulat sa BG bilang isa sa writer ng gag show.

Sabi ni Rodfil, challenging ang trabahong ipinagkatiwala sa kanya ni Direk Cosme. Gusto pa niyang mag-explore kung ano pa ang puwede niyang gawin para mahasa pa ang kanyang talent sa pagsusulat bukod sa pagkanta at pag-arte.

Hindi makakalimutan ng magkapatid ang sinabi sa kanila ng namayapang si Mang Dolphy na malayo pa raw ang mararating nilang magkapatid pagdating sa pagpapasaya ng tao.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Moymoy Palaboy, may kanya-kanya nang tirahan

Leave a Reply

Your email address will not be published.