Movie Review: No Boyfriend Since Birth

Tom-Rodriguez-Carla-AbellanaMULING NAGBALIK sa big screen ang nakaaaliw na tambalan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana via Regal Films’ newest offering na No Boyfriend Since Birth mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes. Sa totoo lang, matagal-tagal na kaming abangers sa pelikulang ito dahil natuwa kami sa launching movie ng TomCar na So It’s You last year at sinubaybayan din namin ang My Destiny sa GMA 7. Medyo matagal-tagal na silang hindi nagsasama sa proyekto kaya naman sabik kami bilang mga tagahanga.
Obviously, tungkol sa babaeng never pang nagkadyowa ang NBSB. Paano ba naman, umaasa ito na ang high school crush niya ang makatutuluyan niya balang araw. Never nag-move on sa kanyang high school kilig ang ating bida, pero in the end naman ay meron siyang napala.
Kilala bilang dramatic actress si Carla Abellana, pero she is also a darling when it comes to romantic comedies. Gets na gets sa mga kilos niya ang pagiging hopeless romantic. The charm of Tom Rodriguez as the ideal boyfriend was also showcased. ‘Yung mga ngiti at very gentleman gestures will surely make any woman assumptions.
Very helpful and entertaining din ang supporting stars ng pelikula lalo na sina Bangs Garcia at Ricci Chan, ang female at gay best friend ng bida. The character of Bangs keeps on reminding Carla na huwag mag-assume and just make the first move, while Ricci Chan’s character is the gay bestie sa work na mega gatong para mabigyan ng hope ang friend niyang NBSB.
Mike Tan also looked good on screen at maganda ang transition niya from high school geek to a hot dude. Nagtataka lang kami kung bakit dubbed ang boses niya. Sana ay i-develop siya ng Regal as a leading man dahil may potensyal ito!
Who could forget Mylene Dizon as the glamorous but scheming boss (ak.a. Maleficent), na grabe kung makapag-emotional blackmail sa mga empleyado niya? Maganda ang delivery at talagang kahit as movie viewers, natatakot kami sa katarayan niya, huh!
All in all, this movie has a lot of lessons lalo na pagdating sa pagiging idealistic sa love and having self-respect. It is a feel-good movie na swak na swak panoorin lalo na’t nakai-stress ang mga ganap ngayon sa mundo. Kung ako sa inyo, gogora na ako sa sinehan para suportahan ang pelikulang ito!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.