Movie nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, nilangaw sa takilya – Archie de Calma

MAY MGA NAGSASABING dahil daw sa bagyo kaya naapektuhan pati ang box-office take ng ilang pelikula. Kami naman ay hindi naniniwala rito.

Maraming pelikulang ang kumita sa takilya na ipinalabas sa kalagitnaan ng bagyo. Nariyan ang Tiagong Akyat ni Ramon Revilla na pinilahan ng mga tao at ang Beloved ni Nora Aunor. Most recently, ang talagang bumongga sa takilya na sumabay sa bagyo ay ang all-time record-breaking movie ng Star Cinema na Ang Tanging Ina.

Take for example, ‘yung Yaya & Angelina, The Spoiled Brat Movie, okey pa rin ang resulta kahit napasabay ito sa lakas ng bagyong Ondoy. May isang araw pa ngang nagsara ang mall theaters dahil sa kalamidad. Papasok pa lang ang bagyong Pepeng nang ipalabas ang Nandito Ako na tinatampukan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, pero nag-flop ito. Nag-ikut-ikot kami sa mga sinehan sa opening day nito at may pagkakataong nag-stop ng screening ang Gateway dahil wala talagang pumasok na kahit na isa. Noong last screening sa Gateway sa gabi, walo lang ang nanood.

[ad#post-ad-box]

Ang kasabay nitong Sabungero, isang indie film starring Joel Torre, ay mas kalunus-lunos ang nangyari. Bale opening day kami nang pumasok sa Gateway para manood, last full show bale, and we heard na nag-cancel din ito ng screenings noong hapon dahil wala talagang nanonood.

Kampante na kami sa loob ng sinehan, nag-o-opening credits na’t lahat, lumapit ang security guard sa amin. Nakikiusap na lumipat na lang kami sa ibang sinehan ng Gateway at inirekomendang manood na lang ng The Ugly Truth.

Ang rason sa amin ng usherette at sikyo, lugi na raw talaga ang sinehan kung mag-i-screening pa sila, e, wala namang paying viewer. Hindi namin nakuhang magtaray dahil gusto naming panoorin ang Sabungero at wala na kaming time for this, kaso, nakita agad namin ang point ng mga taga-sinehan na wala talagang saysay na mag-screening pa at mag-aksaya ng kuryente para lang sa manonood na MTRCB card lang naman ang gamit.

First time na nangyari sa amin ang ganyan. Sabi ng mga taga-Gateway, one week naman daw ipalalabas doon ang Sabungero, kahit na walang nanonood. E, kung wala talagang nanonood, mabuti kung magkaroon ng screening, gaya nga sa naranasan namin.

ISA SI REGINE Velasquez sa agad ay tumalima para mag-respond sa mga humihingi ng tulong sa mga taga-Balara, malapit ‘yun sa Ayala Homes sa Quezon City kung saan naninirahan ang singer-actress.

Ito ang naikuwento sa amin ni Ogie Alcasid na namumuno naman sa pakikipag-meeting sa ilang managers para sa malakihang fund-raising project na katatampukan, hindi lang ng Kapuso stars, pati na raw mga maka-Kapamilya kung papayag ang mga ito. Ito ay ang benefit concert na Kaya Natin ‘To na gaganapin sa Araneta Coliseum this coming November.

Hindi naman daw nagwawalang-bahala sina Regine at Ogie. Ito raw ang paraan din nila para tumulong. Kahit nga kay Ogie ay may mga lumalapit para pasukin niya ang politics sa nasasakupan ng Taal, Batangas, tinatanggihan niya. Para raw talaga siya sa showbiz at hindi sa politics. Makatutulong naman daw siya kahit wala siya sa politics. Oo nga naman.

Calm Ever
Archie de Calma

Related Post

loading...

40 thoughts on “Movie nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, nilangaw sa takilya – Archie de Calma

  1. tingin ko,.. hindi pa masyado ready yung team up na ito para a mga bida roles.. even movies.. kung baga hindi pa sila nalulto, sinerve na sa mga tao.. makajenmark ako,. pero wag naman sana nilang ilevel sila alkris kina kimerald,. endorsements pa lang, wala na sila a kimerald.. im not a big fan of kimerald,. pero nakakairita lang taklaga na nilelevel yung alkris sa kanila.. KIMERALD na yung dalawa,. may pangalan na.. I think kahit papano kikita din naman itong movie,.. may manonood din kahit papano,. kaya lang bumagyo pa,. so kahit yung ilang manonood,. nawala pa.. hai.. lets give them a chance.. =) lets be fair din,. Kimerald is Kimerald.. Un na.. Alkris is yun din ALkris,. di pa pdeng i level.. =) pero kahit papano ok naman.. GBU!

  2. pinatunayan na talaga na wala sa kalingkingan ng ABS ang GMA.cge gma,gawa nyo pa ng paraan para mandaya.nagising na kc ang mga tao.aminin natin lahat na nasa ABS ang mga sikat at mga deserving na artista at magagaling pa!!!!!..

  3. well,..here in cebu as in langaw lng ang pumasok..hahaha
    and i was shock when i saw there movie shown in a cheap cinema theater…that cinema theater only caters movies that are porno or old flicks…and when i went to a mall here there movie is not shown or soon to be showing man lang!…
    kawawa talaga….

  4. flop talaga. kahit sa sm clark dito sa pampanga at dun sa mga sinehan sa amin sa tarlac wala talagang nanonood. Sunny naman ang weather nun. meron naman siguro mga 3 o apat.

  5. kahit ano pang sabihin niyo, andami pa rin naapektuhan ng bagyong ondoy at pepeng, nataon lang ang showing nito showing din ng mga bagyo, lol, sa gayun pa man, sana lang, maging fair, ire-open uli ito in due time…

    kapamilya ako pero me malasakit din naman ako pagdating sa mga nasalanta, katulad ng movie nila aljur at kris, nasalanta din ng bagyo.

  6. Hindi ito flop. Bumagyo at bumaha. Maraming tao ang nagkaroon nang problema at inuna muna nila itong ayusin. Maraming nawalan nang bahay, gamit, namatayan, damit, pagkain at pangkabuhayan. Wala silang panahon na manood nang sine at saka hanggan ngayon, marami pa rin ang lubog sa tubig. ANG TALAGAN FLOP AY LAHAT NANG PELIKULA NI MARIAN. MASKI HINDI BUMAGYO AT ISANG DAMAKMAK ANG PROMO, FLOP PA RIN.

  7. I am a Kapamilya and I very seldom watch the shows of GMA7, but let’s understand why this movie did not make it. The aftermath of the storm left a lot of people stranded, homeless and all their material things gone. They most likely want to replace them first instead of spending their money to watch a movie. I feel bad for these two young talents. My niece like Aljur. Guwapo raw. So, perhaps, Mother Lily can try to show the movie again after everyone is back on their feet.

  8. Sa hirap ng buhay ngayon at nagkataon pa na nagkaroon ng matinding bagyo tapos kulang pa sa promotion ang pelikula at d na ako magtataka kung d man nagsucess ang movie nila aljur ang kris. at ang atensyon ng mga tao ngayon eh kung papaano makakabangon at yung iba ay kung papaano makaka2long sa mga nasalanta ng bagyo. sana nga nagkaroon din ng pelikula yung kimerald nung nagkaroon ng bagyong ondoy para malaman ng mga taong lalo na yung mga taga hanga nila na d lahat ng pagkakataon ay nagiging sucess ang mga project na ibinibigay sa kanila.

  9. FLOOPPP daw? ang sakit nyo naman magsalita! huhuhuhu… well, ano nga naman ang magagawa mo, kung flop, flop talaga at di maitatago. Pero teka, may bagyo rin ba tuwing ipapalabas mga pelikula ni Marian? Gets nyo? hahahahahahahaha!!

    • IYONG KAY ALJUR AT KRIS, BINAGYO, INABUTAN NANG MALAKAS NA ULAN AT BINAHA. IYONG KAY MARIAN. INABUTAN RIN NANG MALAKAS NA ULAN. . . INULAN NANG MARAMING LANGAW. . .HA HA HA. . .KAYA NILANGAW.

  10. Ang mga talent ng GMA-7 ang press lang ang nagpapasikat. Dahil low ang IQ ng mga KAPUSO followers kaya naniniwala naman sila. Kaya for me the best ang GMA-7 kasi napapaikot nila ang tao. At hindi lang naman sila Aljur at Kris ang flop ang movies pati si Marian, Dingdong at iba pa nilang talents.

    Puro FLOP din movies ng GMA Films, press lang nagsabi na kumita ung movie nila Ogie at Michael V. Lalabas din ang totoo sa huli. Dahil mag-ikot kayo sa mga sinehan at tingnan nyo ang price ng ticket nila ay P110 it means di kumita at P130 pag Box-Office.

    Din nga nagbanggit ng amount di ba. Pero tingin ko nasa P50million. Ang box-Office kasi nasa P75 million pataas.

    Pero syempre kung Kapuso ka di mo matatanggap ito. At yun din ang tinuro ng GMA-7 sa kanilang mga followers ang maging bitter, wag mag patalo at manglait ng kapwa.

    Sa huli makikita pa din ang nagpapasikat sa mga talents nila eh mga PRESS. Nasa P15 to 20 thousand ang binibigay sa mga Press depende sa status mo as writer ah sa mga write-ups.

  11. Ang mga talent ng GMA-7 ang press lang ang nagpapasikat. Dahil low ang IQ ng mga KAPUSO naniniwala naman sila. Kaya for me the best GMA-7 kasi napapaikot nila ang tao. At hindi lang naman sila ALjur at Kris ang flop ang movies pati si Marian, Dingdong at iba pa nilang talent.

    Puro FLOP din movies ng GMA Films, press lang nagsabi na kumita ung movie nila Ogie at Michael V. Lalabas din ang totoo sa huli. Dahil mag-ikot kayo sa mga sinehan at tingnan nyo ang price ng ticket nila ay P110 it lang means di kumita at P130 pag Box-Office.

    Din nga nagbanggit ng amount di ba. Pero tingin ko nasa P50million. Ang box-Office kasi nasa P75 million pataas.

    Pero syempre kung Kapuso ka di mo matatanggap ito. At yun din ang tinuro ng GMA-7 sa kanilang mga followers ang maging bitter, wag mag patalo at manglait ng kapwa.

    Sa huli makikita pa din ang nagpapasikat sa mga tlanets nila eh mga press. Nasa P15 to 20 thousand ang binibigay sa mga Press depende sa status mo as writer ah.

  12. well3,ang ms2bi k lng plubag nlng tlga na gwn dhln ang bgy0,cgr0 nga bumaha pr0 my mga prteng la ng baha at hgit s lht ang mga ms mrming nslanta eh nsa class C,D, at E s0 ung mga my kaya at tlgng my pera n kyang man00d bkt d cla nn00d?kc d nga mgnda at syang lng tlga ang pera!Eh bkt d nlng muna pn0stp0ne ung pg sh0wing pra nmn d mccc c 0nd0y,eh ung c pe2ng sa prbnsya rumagasa,d msyd0 s mla. Eh bkt d prn kmita ung m0vie,fl0p pa dn knlbsan?kc la tlgng my gs2ng mn00d buk0d s d mga ckat eh npka c0rny ng st0ry,snyang lng nla ang ganda ng b0h0l,nku mg2lt c singing bee nian,kc ndmay s pgka fl0p ung h0met0wn niang b0h0l..haha3

    At d0n s mga ngs2bng fl0p ang 1st m0vie ng kimerald,pra sbhn k s iny0 d un fl0p,kumita un,at 1yr. Plng cla s sh0wbz n0n kya wg kau mg expct ng b0x 0ffce agad un,pr0 atleast kumita at hnd k2ld nung knla na fl0p,eh db mtgl n cla s sh0wbz 3yrs. Na eh bkt d bumenta,sb nla ckat cla ha,kc ngt0p ung pngtnghli nlng s0ap,haha3
    K0nti lng ang pgkauna ng kimerald s knla eh mg aapat n ta0n plng kimerald pr0 dmi n nlang na achieve at tlgang cla ang 2nay n ckat,ngka awards n cla,at pur0 t0prating ang teleserye at png primetime tlga,npkdming end0rsements,ll0 s c0mmrcials,at hgit s lhat tlgng npkadmi nlang fan base kya wg n mgtka bkt super duper ckat ang KIMERALD,kya la pa clang K tumpat,dmi pa clang dpt gwn,unang una mgw0rksh0p pra nmn mgng kaabng abng ang pg arte nla,at ng pgktwlaan cla ng mga advrtsers,pr0 pn0 yan fl0p ang m0vie nla eh d ll0ng lang ku2ha s knlng advrtser kc cgrd0ng lugi cla..haha3

    Abangan ni0 nlng ang upc0ming m0vie ng KIMERALD at cgrd0ng huge hit it0 dhl super duper ckat cla n0w,at pncnn ni0 lng sa abs kc d cla bsta2 sumusgal s 1ng m0vie pg lam nlng d pa be2nta,eh tngnan u nmn sa mga l0veteam n0w cn0 b pnka h0ttest at p0pular?eh db ang KIMERALD ang pnangt2pat s kbla s kht knn0ng l0veteam nla kht nga s pngm2lki nlang marian at dingd0ng eh pnta0b nla,wat m0re pa ung mga d p tlga ckat at lang cnbi!haha3
    Basta ak0 KIMERALD lang pnka d best at tlgng pnka maglng s lht…g0 g0 KIMERALD

    KIMERALD N0.1
    KIMERALD D BEST
    KIMERALD M0ST P0PULAR L0VETEAM IN SH0WBIZ
    Team Kapamilya tay0
    Abs n0.1

  13. Sa umpisa pa lang ito ang sugal na ginawa ng GMA na di pa nag-uumpisa nag laro kita ng talo, di naman kasi porke nagrate ang show automatic e click na kahit sa movie, kasi naman ang AGB di credible. Iyan na nga ba sinasabi ko e na misleading ang survey nyo pinaniwala nyo kasi ang GMA na click ayan nalugi tuloy sila sa movie na ito. Di naman kasi MEGA MANILA ang coverage ng TV survey e MEGA STREET lang sa isang barangay.

  14. cguro nmn mas uunahin ng tao na ipambili
    nlng nila ng fud ang pera nila kesa ipambili ng lng ng ticket…nkasa ma tlga ang bagyo sa 1st movie nung 2…
    hndi dpat i compare cna kim/gerald sa 2 ito…coz sabi nyo nga sikat na cla dhl mas nauna cla nging artista at nkpagbuild na cla ng tintwag na karisma at fans
    sana bigyan nmn ntin ng chance ang mga kgaya nila aljur/kris na kht kauumpisa plng nagtiwala na agad sa knila c mother…wag taung maging nega agad.

  15. I dont know anything about their loveteam and all, haha, mdyo kpamilya ako, but not an avid fan of kimerald. But I think the main factor na nilangaw ang movie nila is because of the typhoon Ondoy.
    And about the article of ‘Willie Revillame not using his yacht’, I did not read it, nabasa ko lang yung title pero hindi ako nagka interes basahin lahat kasi akala ko, baka exaggerated lang yung title. Coz if the writer really mean, i mean, yung paninira kay willie not using his yacht to help people, dang!! anong klaseng writer ba ang magsusulat ng ganito?? yung yacht ba eh parang truck lng ang laki na pwede ilawig-lawig sa mga streets? kung gagamitin man malapit sa dagat, ano naman ang gagawin nun doon eh ke lalaki ng mga alon at sino bang tao magpaparescue malapit sa nag aalong tubig para lang kunin sa bonggang yacht ni willie??
    hay naku!

  16. Kawawa naman…. in all fairness, mas kawawa si Mother Lily. Nag iinvest kasi sa mga Kapuso. Lalo tuloy nalulugi ang Regal films. Sabagay, gusto kasi yata niya tubong lugaw. Yung mura ang talent fee ng bida para pag kumita eh malaki nga naman ang tubo. Samantalang kung kukunin nya yung tulad nila Kim and Gerald na mataas ang talent fee, malaki rin syempre ang bawas sa profit. But come to think of it, risk talaga yan. This time mali pa rin ang desisyon ni Mader. Kaya kung ako kay Mader, take risk sa mga taga Dos. Ang problema, eh matalino and talent center ng Dos, hindi basta basta pinapagawa ng movie ang artista nila kung di quality film. In all fairness again, pag sinabi kasing “by Star Cinema” may hatak agad kasi people expect it to be a quality movie.

      • nope kimerald launhing movie di siya flop hindi rin nman box office hit just so so lang compared to this loveteam 1st movie..

      • OO di flop kaso di rin siya hit compare mo sa mga ibang star cinema movie tipong mga kinita nila eh around 30M which is ok na dahil di naman ganoon kalaki ang budget. Makikita mo pagpinanood mo iilan lang ang location at wala pang bigating artista.

  17. bakit naman kasi pinilit na bigyan ng movie itong dalawang to kung doon nga sa All My Life puro lang sila halikan. kahit di bumagyo di rin naman magiging box office dahil walang star power ang dalawang ito lalo na si kris. kita ko yung trailer ng movie nila yaaaakks lalo na yung aalis na si aljur tapos nagsign language sila ni kris ang baduy, parang napanood ko na yang eksena na yan dun sa Honey My Love So Sweet nung nagbreak si Polo and Sunshine ginawa rin nila yung eksena na yun habang nasa telepono sila. yaaaks ulit sobrang kabaduyan.. haaay nagsayang na naman ng pera si mother lily…

  18. wrong move for their career bldg. masyado kc pinilit para sa starring role parang nkbuti pa ang bagyo at least me pmpalubag ng loob kung bkhit flop come to think of it yung tarot nga walang bagyo flop din, c kim at gerald npka-popular nila after ng pbb meron na nga agad mga endorsements at primetime teleserye agad pero di nman sila sinabak agad sa movie…

  19. kahit naman walang bagyo eh lalangawin parin yan noh…!
    feeling sikat at hottest loveteam…! di naman magaling at wala akong nakikitang chemistry sa kanila kadiri!

  20. Kung minsa, mahina ang ating pagintindi. Sino ang gustong manood nang pelikula ‘pag bumabagyo at lubog na ang bahay?
    Konting common sense naman. Para na kayong si Tita Swarding na nagtanong kung baket hindi ginamit ni Willie ang yate sa rescue effort. Archie De Calma, puro naman katangahan ito.

  21. Nung isang araw pumunta ako sa sinehan, ako lang mag-isa, pra manood ng movie nila ALJUR & KRIS, pero pinatigil tlaga ang screening sa mall na yon, kasi nga almost 20 lang kaming andon… sayang lang pamasahe namin na pumunta… kala ko pa nman din sikat na kayo,hindi pala..sayang lang ung exposure niyosa pep website at lagi pa kayong pino-post doon,. kawawa naman kayo.,hay buhay.,! start over nlang kayo guyz.,hopefully hindi na flop ang susunod niyong movie..goodluck!

  22. naku ito naman si Archie de Calma, Calma ka alng sa pagsusulat. Ikaw ba kahit lumubog na ba yung bahay mo maisip mo pa ba ang manuod ng pilikula?

    Minsan wag lang sulat ng sulat pag isipan rin, kaya hindi kumita ay dahil sa sitwasyon sa pilipinas nung araw na pinalabas yun.

    Yung mga kinumpara mong mga pilikula siguro hindi ganun ka tindi ng bagyo ang ang nangyari.

    Sorry pero wag lang magsulat para magka article. What a poor judgement.

  23. Isa pa, ang Tiyagong Akyat ni Ramon Revilla at Beloved ni Nora Aunor, bumagyo man, hindi binaha ang kamaynilaan nang hanggang bubong. Hindi mo dapat ikumpara.

    • yun agad ang naisip ko

      eh at least kung lugi lugi talaga no need na sabihin na milyon ang kinita

      come to think of it eh yung kay Bea nga eh may naniwala ba na may problem ang ABS sa SM takot lang sila kasi ang basehan now ay ang movie ni SARAH

      BEA movie 30 million box office na pero si Marian 60 MIllion flop pa rin pati kasi ang kita ngayon nasa eyes of the beholder na hehe.

  24. It’s understandable. People are busy trying to get their lives together after Ondoy. Who has the time to go see a movie? Marami pa ang walang matitirhan, nawala ang lahat sa kanila. Wala silang panahong manood nang movie, maski sino pa ang artista. So, ang movie ni Aljur at Kris, wrong timing lang ipinalabas. Sana preempted na lang at naghintay hanggang makabangon ang lahat. Tapos, nahaluan pa nang dating nang pangalawang bagyo. Ang management at producers, hindi nagiisip.

    • i mean sayang ang mga rolyong ginamit. ang hirap pa naman ng buhay. sabagay sumugal ang gma. there’s no harm in trying, anyway.

      • it is REGAL FILMS mother pa di nag iisip man lang about the situation gulat nga me na nag premier pa rin sila ngek. sana pinabayaan muna yung GMA films na YAYA angelina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.