Movie ni Juday, inokray! by Gorgy’s Park

MASAYA ANG FIRST taping day ng bagong sitcom ni Manny Pacquiao sa GMA-7 nu’ng nakaraang Martes. Bukod kay Manny, may Marian Rivera pa na katambal niya sa bagong programang ito.

Ang alam ko, isang season lang itong sitcom ni Manny dahil pagkatapos nito ay tutuloy na siya sa Amerika para magsimula nang mag-training sa laban niya kay Cotto.

Nang makatsikahan ng Startalk si Manny sa taping, pinabulaanan niya ang napabalitang may binili siyang malaking bahay sa Dasmariñas Village para sa nanay niyang si Mommy Dionesia.

Ang sabi lang ni Manny, marami naman daw siyang nabiling bahay rito sa Maynila kaya puwede namang mamili du’n ang nanay niya kung saan nito gustong tumira.

Pero marami ang nagsasabing kay Manny raw talaga ‘yung nire-renovate na bahay na malapit din sa malaking tahanan ni Dra. Vicki Belo, kaya hindi natin alam kung alin talaga ang totoo o baka itinatago lang muna ni Manny para isorpresa ito kay Mommy Dionesia.

Ang ikinuwento lang ni Manny ay may biniling lupa si Mommy Dionesia sa Gen. Santos City at balak daw niyang patayuan ito ng bahay. Bale kinita na raw ito ng nanay niya sa mga nagawang commercial.

Talagang hataw ngayon si Manny sa taping at shooting dahil kapag nagsimula na itong mag-training, hindi na niya maiisingit ang trabaho sa showbiz.

Pagkatapos ng ginawa niyang isang episode sa pelikulang Pangarap Kong Jackpot ng Golden Lion Films, sisimulan na rin niya ang Wapakman na entry sa Metro Manila Film Festival.

Hindi na nga raw matutuloy si Nicole Scherzinger ng Pussycat Dolls sa pelikulang ito kaya pinalitan na ito ni Rufa Mae Quinto. Okay lang naman daw kay Manny kahit na sino’ng i-partner sa kanya, ang importante lalabas na kuwela ang pelikula nila.

Malapit nang mapanood itong bagong sitcom ni Manny na Show Me the Manny sa GMA-7, kasama rin dito sina Paolo Contis, Benjie Paras, Lovi Poe, John Lapuz, Onyok Velasco at iba pa.

HINDI AKO NAKARATING sa premiere night ng OMG o Oh, My Girl! nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid nu’ng nakaraang Lunes. Pero ayon sa kuwento sa akin ng mga nakarating, punung-puno raw ito at talagang suportado sina Ogie at Juday ng mga love nila sa buhay na sina Regine Velasquez at Ryan Agoncillo.

Kaya lang, lahat ng nakausap kong napanood ang naturang pelikula, hindi nila ito nataypan at palpak daw rito si Direk Dante Nico Garcia.

Ang ganda pa naman daw nang directorial debut niyang Ploning, pero pagdating dito sa OMG, sumabit raw siya.

Type ko pa naman sanang panoorin ito pero sinabihan na akong huwag mag-expect na matataypan ko dahil nairita lang daw sila pagkatapos nilang mapanood.

Hindi nga raw ito binigyan ng grade ng Cinema Evaluation Board dahil hindi rin daw nila nagustuhan. Sana magustuhan ito ng masa at tangkilikin naman ng fans nina Juday at Ogie, dahil nagsimula na itong mag-showing kahapon.

As of this writing, wala pa akong balita kung nag-hit ang first day ng pelikulang ito. Alamin natin!

By Gorgy’s Park

loading...

10 thoughts on “Movie ni Juday, inokray! by Gorgy’s Park

  1. guys please do not spend your money in this basura films. nawalan n nga kayo ng pera, ma-iirita p kayo s pwelikula!

  2. To Mimosa,
    kaya panay ang guesting ni juday sa 7 dahil lagi syang ininvite and mas binibigyan sya ng importansya sa 7 unlike sa ch 2 na mother studio nya. about lipatan issue, ayaw po syang bitawan ni Mr Lopez dahil money maker sya ng dos. yung iba dito sobrang nega. regarding naman sa ratings ng George and Cecil late na sya pinapalabas pero nagri rate po sya compare sa katapat nya.

  3. Hi Mimosa,

    Mismo, stupid yang Alfie na yan mukhang pera, walang utang na loob sa ABS-CBN, kaya tuloy yung alaga nyang si Judy Ann nakakarma, di ba flop ang Ploning at siguro tong OMG din, movie lang nya sa Star Cinema ang kumita I like Judy esp Judy Ann/Piolo tandem but sa kasisira ng Alfie na yan kay Piolo at panay ang punta ni Judy Ann sa channel 7, Piolo fan na lang ako. Sana after ng contract nya sa 2 lumipat na sya sa channel 7 para matulad sya kina Jolina, Marvin na nalaos, tingnan ko lang kung anong magagawa yang bitter old man na yan.

  4. balimbing naman talaga si juday tulad ng manager niya. buti nga pinatulan siya ni ryan agoncillo. di naman nagre-rate ang george at cecil. laos na kasi.

  5. tanga naman! syempre magpopromote ng movie.. hindi nman po kasi masama magpromote ng movie sa ibang istasyon lalo na hindi naman ang kanyang mother studion ang producer! both ogie and juday naman pinayagan mag guest sa both station for promoting their movie! kung hindi mo type yung ganon gawi wala kang magagawa kasi yun ang trabaho nila!! halangan di nila ipromote!!! kalorkey ka ha!!

  6. Bakit si Juday, panay ang guesting sa GMA7? Saan ba talaga naka kontrata ito? Medyo hindi ko type ang ganitong gawi. ABS-CBN ang kabuhayan niya pero sa GMA panay ang promo niya. Ganoon din si Alfie Lorenzo. ABS-CBN ang hanapbuhay niya pero panay ang paninira niya sa kanila. Pati talents nang ABS-CBN hindi nakakalagpas sa kaungguyan ni Alfie. Doble kara.

  7. buteh nga….mayabang kasi ang Alfot Lorenzo na manager nya, hai naku flop na naman si judai bwahahaha lumipat na kasi sya sa gme para makasama nya na ang mga laosyang, d bah bayaran c alfot lorenzo ng gme bwahahaha, hai naku sana kunin na sya ni SATAN, yon lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.