Movie ni Eugene Domingo, tumabo sa takilya – Tita Swarding

OLA CHIKKA. WALANG BATAYAN ang mga patutsada at ng ilang mga naglabasang tsika na flopsina ang pelikula ni Eugene Domingo, ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme. Noong isang lingo, sa premiere night nito ay dinaluhan ito ng mga bibigating mga artista at isa na riyan ang bida na si Eugene at ang producer ng pelikula na si Piolo Pascual under Spring Film Productions. Sa kabila ng lahat ay hindi pinalagpas ng mga makakating dila at kamay at sinabing flopsina ang pelikula. Sa unang araw nang ipinalabas ang pelikula ay kumita na ito ng P2 milyon at noong Sabado, ang huling tala ay kumita ito ng P8 milyon. Hindi man umarangkada o nag blockbuster ang movie ay pasok pa rin ang pelikula at hindi ito nilangaw. Para sa kaalaman ng lahat, ang pelikulang ito ay isang independent film o walang malaking movie company ang umalalay. ‘Di ba, bongga?

Palaban na nga ang mag-asawang Donna Villa at Direk Carlo Caparas. Hindi na papayag ang mag-asawa na apakan ang kanilang pagkatao o maliitin ito. Oo nga naman, kahit sino ‘di papayag na gawin ito. Nag-ugat ang isyung hindi mamatay- matay tungkol sa National Artist award at ngayon ay hinalungkat na pati ang achievements ng magaling na direktor.

Pati ang nagawa niya sa industriya ng showbiz  at ngayon ang pagtakbo naman ang ibinabatikos laban kay direk carlo. Ayon sa asawa ni direk na si Donna, si Carlo ang magtatanggol sa mga inaapi kaya pinag-iisipan niya kung sasabak na nga ito sa pulitika. Todo-suporta ngayon ang maybahay ni Direk Carlo sa kung anuman ang pasukin nito at nakahanda nga si Donna na suportahan ang asawa nito sa abot ng kanyang makakaya. Kaya sa lahat ng bumabatikos kay Direk Carlo, naku, magtigil na kayo. Dagdag pa ng maybahay ni Carlo, magkakaroon na sila ng bagong talkshow. Naku, aabangan ito ng lahat. Pero hindi pa nababanggit ni Donna kung ano ang pamagat ng talkshow na ipapakita nila sa publiko. Nakalatag na raw ito at sigurado na. Ang nakakaloka ay hindi pa mababanggit ng maybahay ni direk Carlo kung saan ito ipalalabas. Ang tsika lang sa akin ni Donna ay “Basta, Tita Swarding, sa malaking network ito.” Naku, ha, abangan na lang natin kung ito ba ay sa Kapamilya o sa Kapuso ipalalabas. ‘Yun na!

Other showbiz news today by Tita Swarding:

Willie Revillame, bibili ng airplane?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

13 thoughts on “Movie ni Eugene Domingo, tumabo sa takilya – Tita Swarding

  1. ano kb hndi nga msabi kc flop nga, hanggang ngyon news blackout sa kinita ng tarot..google it wala tlga khit mga tabloids..bkhit si k. dora me result na agad..reyna nman tlga si marian, box office queen of flop movies…

  2. Guys, expect mo mga Kapuso na ganyan magiging sagot nila. Sa society natin at sa world of internet identify ang Kapuso Followers as bitter and detructors ng Kapamilya talents. Just read all there comments here at sa iba pang website, same ang character nila.

    Nakakalungkot kung bakit naging ganito ang kinahantungan nila. Maybe they can not accept the reality. Or sobra lang pagmamahal nila GMA-7 na bawat sabihin naniniwala. I wonder if itong mga active dito ay nakapag-aral ng high school or college kung read mo comments nila parang indi eh.

    Pero wish ko lang maging open minded sila at tanggapin ang totoo. Darating din ang time na kikita din ang movie nila. At sana dumating din ang time na National Ratings ang ipakita ng GMA-7.

    FACT: Flop ang movie ni Marian Rivera ang TAROT.
    TRUTH: Mataas ratings ng Darna sa Mega-Manila
    FACT: Number 4 lang ang Darna sa National Ratings
    TRUTH: Still No.1 ang May Bukas Pa, TV Patrol and Tayong Dalawa.

  3. Si Mother Lily pag kumita ng 10 milyon ang movie, nagpapa-thanksgiving mass agad siya.

    Bakit hanggang ngayon wala pa ring thanksgiving mass ang Tarot???

  4. Ang nagpa-flop na artista kay Mother Lily, hindi niya na ginagawan ulit ng pelikula. So hintayin ninyo na lang, ang mga susunod na pelikula ni Marian!!!! star cinema lang naman ang mahilig mag press release ng box-office hit ang lahat ng pelikula nila (kahit hindi naman totoo lahat). Ang padding, ang kapal kapal lols!

  5. Alam nyo pag kumita ang isang movie for sure may ingay yan at buong pagmamalaki na ipapaalam sa tao.

    Kaya sa nagsasabi sikat si Marian Rivera. How come? Isang movie pa lang ang kumita sa ginawa nya ang “BF’s GF” after that FLOP na lahat.

    Sa movie ang barometer ng artista kung talagang sikat sya o indi. Dahil sa TV ang FREE. But sa Movie U need to pay for P110 pag indi kumita or P130 pag Box-Office.

    Uso ang padding sa movie kaya don’t trust. Search mo ung BoxOfficeMojo.com kasi ito ung reliable source ng gross ng movie local or foreign

  6. walang mkapagsabi ng kinita ng tarot dhil malaking flop na movie ito ni marian. ayaw ng ipagkalat pa ni mader lily na flop ang ginawa niyang movie dhil sa totoo lang eh can’t afford ung mga nanonood ng mga series ni marian sa 7. ung pinagmamalaki nilang primetime queen eh primetime flop pgdating sa movies dhil nga karamihan sa nanonood sa mega manila eh gusto libreng panoorin ung idolo nila. mga advertisers gising na kau, sa movies malalaman kng me buying power ang mga artists dhil kng makakaya nilang gumastos para mapanood ang isang pelikula, malamang mas bibilhin nila produkto nyo kng dun kau nagaadvertise sa istasyon na pinanggagalingan nila.

  7. Eh bakit tong Kimmy Dora may figures na agad. Yung Tarot itinatago pa rin nila ang resulta! Truth is mas pinanood pa ng mga tao ang movie ni Eugene kesa sa movie ng sikat sikatan sa mega manila na si Marian BWAHAHAHAA

    • Sobra ka naman! Malakas naman sa takilya ang Tarot. 7 milyon ang opening day.

      Tita Swarding, sabihin mo nga kung magkano ang kinita ng Tarot. Thanks.

      • May results na from Box Office Mojo, super flop nga ang Tarot. p18million in 3 weeks, showing pa ‘yun sa SM cinemas. Samantalang And I Love You So, hindi naipalabas sa SM pero kumita ng p60million. Siyempre ang pinakapanalo Kimidora.

Leave a Reply

Your email address will not be published.