Movie comeback not possible: Gov. Vilma Santos has to face the problems haunting Batangas province

SOBRA NA TALAGANG maingat ngayon si Angel Locsin pagdating sa mga isyung may kinalaman sa kanyang lovelife.  Alam na niya ang uri ng mga tanong na dapat niyang iwasan, lalo na kung iyon ay pupuwedeng magresulta na sumabit pa siya at madawit pa sa mga intriga. Biglang may lumutang na pangalang KC na diumano’y tunay raw na girlfriend ni Phil Young-husband, na siya raw dahilan kaya hindi pa rin todo-todo ang panliligaw ng sikat na atleta sa magandang aktres.

Kung nagkatotoo na si KC ay ang umano’y real girlfriend ni Phil na itinatago, hindi pa rin magmumukhang kawawa si Angel. Kasi nga, wala pa siyang inaamin na may relasyon na nga sila ni Phil. Ang salitang pinakawalan ng aktres, ayaw muna niyang magmadali, kaya wala pa talaga siyang dapat na aminin tungkol sa kanilang dalawa ng sikat na miyembro ng Azkals. Ang haba-haba nga ng hair ni Angel, dahil nang pumutok ang tungkol sa tsikang may non-showbiz girlfriend ang binatang atleta, agad nakipag-usap si Phil kay Angel, at itinanggi ang tungkol sa isyu. Nagsalita rin naman si KC na walang katotohanan ang pag-uugnay sa kanila ng manlalaro.

Marespeto ring tinanggihan ni Angel na magbigay siya ng anumang reaksyon tungkol sa pagliligawan nga-yon ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano at ni Jennylyn Mercado. Maganda kasing marinig ang kanyang panig sa isyu. Pero sorry na lang silang lahat, dahil walang gustong sabihin si Angel, kaya hindi na nakaladkad pa ang pangalan niya sa isyu ng pagliligawan nina Luis at Jennylyn.

 

PARANG SA TAKBO ng mga pangyayari, mahihirapan at magdadalawang-isip muna si Gov. Vilma Santos-Recto na gumawa agad ng bagong pelikula. Buwan na ngayon ng Hunyo, at nangangalahati na ang taon, pero wala pa nga siyang nasimulang project. Ang daming mga planong proyekto na kung sinu-sino ring mga artista ang mga makakasama niya.  Pero nagkaroon nga ng kung anu-anong problema sa Batangas, katulad na lamang ng malaganap na fish kill, kaya mahihirapan si Ate Vi na magsimula kaagad ng bagong pelikula.

Ang planong pagsasama nina Ate Vi at ng Megastar na si Sharon Cuneta sa pelikula ay nasa plano pa rin, dahil inaayos pa raw ang script para bumagay ang kuwento sa kanilang dalawa. Kaya lang, ilang pelikula rin ang ginagawa ngayon ng Star Cinema, kaya tingnan na lang din natin kung maisi-singit bang talaga ng Star Cinema na ituloy sa kasalukuyang taon ang project na ‘yan.

Kontrobersiyal ngayon ang Batangas. Ang tungkol sa fish kill ay sinundan pa ng kontrobersiya sa paglalabas-masok sa bilangguan ng dating gobernador na si Antonio Leviste. Habang si Vice-Gov. Marc Leviste naman ay idinidiin ngayon sa usapin kung bakit nakalalaya pa, samantalang nahatulan na umanong mabilanggo kaugnay sa isyu ng tangkang pambobomba sa Kapitolyo ng Batangas ilang taon na ang nakalilipas. Ah, basta! Mahirap mawala si Gov. Vi ngayon sa Batangas dahil sa dami ng problema na dapat niyang pakatutukan. Tsaka na muna ang balik-pelikula na ‘yan.

 

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY sa blind singer na si Sister Fatima Soriano. Siya ‘yung gusto sana ng mo-ther ng yumaong si AJ Perez na dapat sana’y ipagkaloob ang mga mata at nabuo ang desisyon nu’ng gabing maaksidente at pumanaw ang young actor. Pero unfortunately, hindi pumuwede kay Fatima ang magandang plano, kaya ang nabiyayaan ng mga mata ni Perez ay isang binata at isang binatilyo. Ang wish natin para kay Fatima ay mangyari sana ang isang matagumpay na operasyon sa kanyang mga mata para siya makakita.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Movie comeback not possible: Gov. Vilma Santos has to face the problems haunting Batangas province

  1. i love Angel Locsin and couldn’t wait to see her in another project. ok lng na hindi sunod2 ang teleserye basta laging big project at maganda. once a year teleserye at 2 movies every year ok na un , tutal she is now financially stable at marami pa rin syang product endorsements, she doesn’t have to grab any project na hindi makakadagdag sa kanyang credibility as a promising actress.

  2. Naku, pa etching lang ni Angel yan. Eh dinadaan naman niya sa parinig sa twitter noon kay Luis. Kunwari pa siya grace under pressure kuno pero pikon na pikon sa mga tweet sa kanya ng twitter followers kahit na makakabuti naman sa kanya. Sukat bang patulan pa yun ibang jologs mag tweet, tuloy nag re reflect sa kanya pagpatol niya.

    Kung hindi man siya mag comment sa Luis Jen issue its just but proper. Nauna pang natanong ng press si Luis about Phil Gel and Luis never made a comment, dahil yun lang naman talaga ang tama.

Leave a Reply

Your email address will not be published.