MOVE ON NA AFTER DARNA: Liza Soberano, may bagong teleserye

Liza Soberano

HABANG nagkakagulo ang mga named stars and wannabe stars sa showbiz na hari nawa’y mapili sila as replacement ni Liza Soberano para sa pelikulang Darna, ang young aktres ay naka-move-on na sa desisyon niya na mag-back-out sa naturang project na tila ang ang iba ay nagkukumahog na mapansin at mapili at nangangarap na mapunta sa kanila ang film project.

Sa katunayan, ang Star Cinema ay nagpa-search na for the new Darna na pamalit sa naiwanan ng young acrress.

Nagpatawag na mula Luzon, Visayas at Mindanao ng paghahanap habang ang perfect sana para sa Darna role ay naghahanda naman sa bago niyang teleserye with syemore, with her “Honey Love” na si Enrique Gil.

Last Tuesday, I bumped to a friend Ian Buenaventura na personal manager ni Liza and told us the news about the young actress’ new project for Kapamilya Network.

Next month, in June ang simula ng taping. No details yet for the actress new project for LizQuen to be together again on television na medyo matagal na rin nawala sa teleserye scenes.

We just hope na sana, worth the wait ang naturang television project ng dalaga with her boyfie na sort of pamalit sa Darna project niya na alam natin na hindi talaga matatapatan ang pelikula na nawala na pinaghirapan ng dalaga paghandaan pero dahil hindi talaga ukol ay nausyami ang project na madami ang naghihinayang.

Lately, may kumakalat sa chismosang mga chat room na nagtatanong kung sina LizQuen ay nagli-live-in na. Ang kuwento, there are nights na ang binata ay nagse-sleep-over sa haybols ng dalaga pero I doubt na may katitining na katotohanan sa bali-balita.

Knowing Ogie Diaz, Liza’s manager, suntok sa buwan na hahayaan niya ang dalaga na lumampas sa hindi na dapat.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.