Motorsiklo Vs Traysikel: 3 Patay

DEAD ON the spot ang tatlong lalaki matapos magsalpukan ang traysikel at motorsiklo sa highway na sakop ng Barangay Ditaylen, Maria Aurora, Aurora alas-10:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Rocky Mendoza, 27-anyos na siyang nagmamaneho ng motorsiklo at ang angkas niyang si Diosdado Ortiz, 41; gayundin si Freddie Luberas, 20-anyos na drayber naman ng tricycle.

Samantala, isinugod naman sa Aurora Memorial Hospital ang mga nakaligtas na pasahero ng tricycle na sina Glaudia Luberas at Lilibeth Luberas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.