Motorsiklo vs. Traysikel: 1 Patay; 1 Kritikal

ISA ANG patay at isa pa ang kritikal matapos magsalpukan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa national highway sa Barangay Mayapa, Calamba, Laguna.

Dead-on-the-spot ang sakay ng motorsiklo na si Adonis Berbera na naputulan pa ng kanang binti dahil sa lakas ng pagkakabangga habang kritikal ang drayber ng tricycle na si Felipe dela Peña.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Calamba police, parehong mabilis ang takbo ng magkasalubong na motor pero isa rito ang biglang may iniwasan dahilan para magkasalpukan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.