Motorsiklo, Sumalpok sa Tunnel; MMDA Enforcer, Sugatan

SUGATAN ANG isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa northbound tunnel ng Katipunan Avenue.

Nakilala lamang ang nasabing biktima na si “Caplay”.

Isinugod naman sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang nagtamo ng sugat sa ulo.

Base sa inisyal na pagsisiyasat na self accident ang pangyayari.

Muli namang nagpaalala ang kinauukulan na huwag magmadalli sa pagmamaneho.

Samantala, nagpaala rin ang kinauukulan na palagiang magsuot ng helmet sa pagmomotorsiklo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.