Motorsiklo ng Dalaga, Naglaho sa Parking Lot ng Palengke

NAGLAHO ANG bagong motorsiklo ng dalaga matapos iwanan sa parking lot ng palengke sa Malabon City kahapon ng umaga.

Sa pahayag ng biktimang si Ginalyn Osoranda, 37, alas-7:45 ng umaga, ipinarada niya ang kanyang asul na Yamaha Mio na wala pang plaka sa parking lot ng Malabon Central Market sa Sevilla St., Tañong ng lungsod.

Matapos mamili ay binalikan ng biktima ang motorsiklo subalit laking gulat nang hindi makita.

Inikot pa ng biktima ang parking lot subalit hindi na rin nakita ang motorsiklo na naging dahilan upang magsumbong na sa mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang tumangay sa motorsiklo at titignan ang nakakabit na closed circuit television upang makatulong sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.