Motorsiklo, Nagsalpukan; 2 Rider, Tumilapon

DALAWANG MOTORCYCLE rider ang kapwa nasa malubhang kalagayan sa pagamutan makaraang magsalpukan ang kani-kaniyang sinasakyang motorsiklo sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Parehong ino- obserbahan sa East Avenue Medical Center sina Fedirico Castillo, 41, at residente ng # 163 Kagkitan St., Sauyo, Quezon City at Victorino Daug, 44, ng San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.

Base sa isinasagawang imbestigayon ni PO2 John Paul Duran ng traffic section ng Caloocan City Police at may hawak ng kaso, bandang alas-11:45 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Quirino Highway malapit sa Gate 3 ng Amaparo Village, Brgy. 179.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni PO2 Duran, si Castillo ay sakay ng kanyang motorcycle na Honda 125 na may plakang PN 6363 habang si Daug naman ay sakay ng Lancinos motorcycle na may plakang ZP-3747.

Nabatid na magkasalubong na tinatahak ng dalawang motorsiklo ang nasabing lugar nang bigla na lamang umanong mag-head-on collition ang mga nabanggit na motorsiklo na nagresulta upang tumilapon ang dalawang nasabing rider.

Ilang residente ang mabilis na nagdala sa mga nasabing rider sa nasabing pagamutan, kung saan ang mga ito ay parehong nasa malubhang kalagayan.

(ROMAN MAGPOC)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.