Motorsiklo bumulusok sa ilog, 3 patay

 

PATAY ANG tatlo katao kabilang ang dalawang estudyante nang mahulog ang kanilang sinasakyang  motorsiklo sa tulay sa Tuguegarao City.

Nakilala ang mga biktima na sina Mark Anthony Tadeña, 22, residente ng Brgy. San Roque; Ryan Roldan, 17; at Belardo Gutierez, 16, kapwa estudyante at residente ng Brgy. Centro, Enrile.

Napag-alaman mula sa mga awtoridad na posibleng nabagok ang ulo ng mga biktima sa mga batong nakaimbak sa Pinacanauan river noong mahulog ang sinakyang motorsiklo kung kaya’t binawian sila ng buhay.

Nagtamo rin ng galos sa iba’t ibang parte ng katawan nang marekober ng Rescue 29 ng pamahalang panlalawigan ng Cagayan ang mga biktima sa ilog.

Ayon kay Supt. Mardito Angoluan, hepe ng Tuguegarao PNP, dumalo sa binyag sa Brgy. Capatan ang tatlo batay na rin sa pahayag sa kanilang tanggapan ng mga kamag-anak ng biktima.

Inihayag ni Angoluan na isang residente ang nakakita sa matuling takbo ng motorsiklo bago ito mahulog sa ilog kahapon.

Ayon sa mga kamag-anak ng mga biktima, itinakas lamang nila ang ginamit na motorsiklo na may plakang BL 4648 kung saan agad silang nakipag-ugnayan sa pulisya nang marinig na may nahulog na motorsiklo sa naturang ilog.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.