Motorsiklo, bumangga sa puno; 2 patay, 1 sugatan

DEAD ON the spot ang dalawang binata matapos bumangga sa isang puno ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Alcala, Cagayan.

Nakilala ang mga nasawi na sina Manuel Antonio at Reymar Elpedes kapwa residente ng Brgy. Pigcatan, Alcala.

Ayon kay Florsol Corpuz, deputy chief of police ng PNP Alcala, lasing ang mga biktima noong mangyari ang insidente kung saan masuwerteng nakaligtas ang driver ng motorsiklo na si Jhun Pantunan.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng motorsiklo habang binabagtas ng mga ito ang pakurbang kalsada patu-ngo sa sentro kung kaya’t bumangga sila sa isang puno ng gemelina, dagdag pa ni Corpuz.

Wasak ang motorsiklo dahil sa lakas ng pagsalpok nito sa puno.

Samantala, nagpapagaling sa ospital ang nakaligtas na biktima na nagtamo ng maraming sugat sa buong katawan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.