Motorsiklo, bumangga sa bahay Rider, biyak ang ulo; 2 angkas sugatan

NABIYAK ANG ulo ng isang lalaki habang ginagamot pa ang dalawang pasahero nito nang sumalpok sa grills ng bahay ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Dead on arrival sa Bulacan Provincial Hospital si Angelito de Guzman, 48 anyos, ng Purok 3 Sitio Alimango, Brgy. Bambang.

Kapwa ginagamot naman sa Dr. Yanga Hospital sina Janice Caranzo at Ronald Enriquez na pasahero ni De Guzman bunsod ng ma-tinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa blotter ng Bocaue Police, alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Barangay Bambang kung kailan pauwi ang mga ito.

Sinasabing nakainom ang tatlo kaya posibleng nahihilo at inaantok ang driver.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.