Motorsiklo Binangga ng Truck; 2 Patay, 1 Kritikal

HINDI NA umabot pa ng buhay sa pagamutan ang dalawang backrider ng isang motorsiklo habang kritikal naman ang driver nito nang aksidente silang mabangga ng isang Isuzu truck sa highway ng Purok Roxas, Barangay Balongating, Guipos, Zamboanga del Sur.

Isa sa nasawi ay ang mismong misis ng driver na kinilalang si Margie Lañohan Balignot, 44-anyos.

Base sa report mula sa Guipos municipal police station, nabatid na tuma-takbo sa iisang direkyon ang dalawang sasakyan at pagdating sa lugar ng insidente ay sinubukan umanong mag-overtake ang nasabing truck na minamaneho ng isang Rodrigo Podiotan Matapa, 37, pero aksidente nitong nabangga ang katabing motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ng ilang metro ang mga biktima na naging sanhi ng mga grabeng sugat at bugbog na tinamo nila sa ulo at katawan.

Samantalam naka-confine pa rin ang driver ng motorsiklo sa Zamboanga del Sur Medical Center habang naka-detain naman sa detention cell ng Guipos municipal police station ang driver ng nakaaksidenteng truck.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.