Motorcycle Rider, Pisak sa Truck

KAMATAYAN ANG sinapit ng isang lalaking motorcycle rider makaraang magulungan ng isang rumaragasang truck matapos sumemplang at malaglag sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Culiat, Quezon City kamakailan.

Nasawi noon din sa nasabing lugar ang biktima na nakilala lamang sa pamamagitan ng nakuhang ID sa kanya na si Teodoro Tenorio, Jr., ng Sunny Ville 3 Subdivision, Fortune, Marikina City bunga ng pagkalasog ng kanyang katawan.

Base sa isinumiteng report ni Traffic Enforcer Crisanto Gragasin ng Quezon City District Traffic Sector 5, nangyari ang insidente pasado alas-11:30 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Luzon Avenue, Brgy. Culiat.

Sinabi ng ilang nakasaksing tanod sa lugar bago ang insidente na namataan nila ang biktima na pagewang-gewang ang takbo sakay ng motorsiklo.

Ilang saglit lamang ay sumemplang na itong tuluyan at nalaglag sa motorsiklo kung saan tiyempo naman ang pagdaan ng isang humahagibis na truck at nahagip ang nakahandusay na biktima.

Ayon sa mga nakasaksi, hindi na umano nila nakita ang hitsura ng truck gayundin ang plaka nito na mabilis na humarurot palayo.

Samantala, hinala naman ng mga kinauukulan na ma¬aaring hindi umano napansin ng driver ng truck na nasagasaan niya ang biktima.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.