Motorcycle Rider, Kritikal sa Bangga ng Lasing

NASA KRITIKAL na kondisyon ang isang motorcycle rider matapos araruhin ng kotse sa kahabaan ng Mindanao Avenue Extension sa Quezon City.

Walang malay na isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Marlon Circado, 38-anyos.

Lumalabas sa pagsisiyasat, nakahinto ang motorsiklo sa kalye nang biglang banggain ng Toyota Corolla na minamaneho naman ni Ralph Abaño.

Wasak na wasak ang motorsiklo at pumailalim sa bumanggang kotse.

Samantala, depensa naman ni Abaño, nag-alangan siya sa sinusundang kotse nang biglang mag-menor hanggang sa mapa-kabig sa manibela at mabundol ang motorcycle rider.

Nakainom rin umano ang naturang suspek nang mangyari ang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.