Motorcycle Rider, Durog sa Trak

PATAY ANG isang motorcycle rider matapos sumalpok ang sinasakyan nito sa trak na naglilinis ng manhole sa northbound lane ng EDSA-Muñoz. Kinilala ang biktima na si Lito Carolino.

Ayon kay PO3 Andy Sotto, rumespondeng pulis sa aksidente, posibleng nagkulang sa mga early warning device ang mga nagtatrabaho sa manhole.

Ngunit pinag-aaralan din nila ang anggulong nakatulog si Carolino kaya nangyari ang aksidente.

Ayon sa drayber ng nasabing trak, nakarinig na lamang sila ng malakas na kalabog at nakita lamang na duguan na ang biktima.

Samantala, patuloy naman ang paalala ng mga kinauukulan sa mga motorista na magdoble-ingat sa kalsada.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.