Motorboat, Lumubog sa Batangas

INIIMBESTIGAHAN NA ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglubog ng isang kolorum na motorboat sa karagatang sakop ng Sitio Bakasyunan, Barangay Simlong sa Batangas City noong Huwebes Santo.

Nasagip ng mga dumaraang motorboat ang walong sakay ng lumubog na MV Virgin Mary kasama ang apat na bata.

Sinabi ng PCG Southern Tagalog District na nakatanggap sila ng tawag mula kay barangay councilor Joey Ropero ukol sa paglubog ng naturang motorboat matapos hampasin ng malalaking alon at malakas na hangin.

Samantala, patungo sana ng San Agustin Kanluran sa Isla Verde ang lumubog na motorboat.

Pinagpapaliwanag naman ng PCG ang may-ari ng naturang bangka na siya ring kapitan nito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.