Motor vs Truck: 3 Patay

TATLONG KATAO ANG nasawi nang salpukin ng trak ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Davao Del Sur, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Marc Leo Tecson, driver ng motor; at mga angkas na sina Jomar Nacion at Diomedez Alfeche.

Tumatahak ang tatlo sa crossing sa Barangay Talas sa bayan ng Sulop nang salpukin ng isang Fuso truck na hindi naplakahan.

Sa lakas ng impact, tumalsik pa ang mga sakay ng motorsiklo dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.