Motor Vs Bus; 2 Patay

AGAD NA binawian ng buhay ang dalawang lalaki nang sumalpok ang sinakyan nilang motorsiklo sa isang Partas bus sa Barangay Libtong, Tagudin, Ilocos Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Marlon Lorenzana, 23, driver ng motorsiklo at si Oliver Partible, 17, kapwa nakatira sa Barangay Alilem Daya, Alilem ng nasabing lalawigan.

Nakilala naman ang driver ng Partas na si Cresencio Duque, 49, may asawa at taga Barangay Ambiatris Bagal, Bucay, Abra.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng PNP-Tagudin, papuntang hilagang direksiyon ang bus nang biglang tumawid ang motorsiklo na galing sa shoulder ng national highway.

Ang dalawang biktima ay tumilapon pa sa layong 132 feet dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Samantala, napag-alaman na galing sina Lorenzana at Partible sa isang inuman bago naganap ang insidente.

Naideklarang dead on arrival ang mga biktima sa Tagudin General Hospital samantalang ang driver ng Partas bus ay nasa kustodiya na ng PNP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.