Motor, Sumalpok sa Trak; Rider, Patay

PATAY ANG isang motorcycle rider matapos bumangga sa nakaparadang trak sa South Luzon Expressway (SLEX) East Service Road.

Kinilala ang nasabing biktima na si Doroteo Rodriguez, residente ng Barangay Palanan, Makati City.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang takbo ng motor nang sumalpok sa likurang bahagi ng trak.

Tumusok ang dibdib nito sa mga kargang square bars.

Samantala, ayon sa imbestigador, may pananagutan ang may-ari ng trak sa insidente dahil sa maling pagparada sa kalsada.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.