Motor at Trak, Nagsalpukan; 1 Patay, 2 Sugatan

DEAD-ON-THE-SPOT ANG driver ng motor na si Donald Lao habang nawalan ng malay ang angkas nitong si Francis Asperon at nasugatan sa mukha si Glenn Duran, matapos sumalpok sa likod ng isang container truck sa Osmeña Highway kanto ng Arnaiz Avenue sa Makati City.

Ayon sa nakasaksi, nakahinto ang trak nang sumalpok ang motor lulan ang tatlong lalaki na pawang walang helmet.

Hinihinalang nakainom ang mga biktima dahil hindi makausap nang matino si Duran at tumangging makipagtulungan sa mga pulis.

Itinanggi naman ng truck driver na si Teofilo Arellano na bigla siyang nagpreno kaya sumalpok ang motor. Matagal na aniya siyang nakahinto sa traffic light at hinihintay na lang na mag-green ito.

Dahil sa aksidente, nagsikip ang trapiko sa southbound lane ng Osmeña Highway.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.