Motion to Quash ni RJ Bautista, Ipinaubaya na sa Korte

IGINIIT NGAYON NG Parañaque City Police na mananatiling suspek sa kasong pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla ang mga naarestong sina Michael Cruz Altea at Roy Francis Tolisora.

Ginawa ni Task Force Ramgen head C/Insp. Enrique Sy ang pahayag sa harap ng hirit ng abogado ng dalawa na inosente ang mga ito sa nasabing kaso. Muli namang ipinagpatuloy kahapon ang preliminary investigation kina Altea at Tolisora.

Una na ring hiniling ng abogadong si Atty. Ana Luz Cristal-Tenorio sa korte na maibasura ang kaso laban na kaniyang mga kliyente.

Naghain na rin ang abogado ng counter-affidavit ng dalawa at testimoniya ng tatlong testigo na magpapatunay na nasa bahay lamang ang dalawa noong mangyari ang insidente.

Samantala, tumanggi munang magkomento ang Parañaque Police sa inihaing motion to quash information at motion for a preliminary investigation ng abogado ni Ramon Joseph “RJ” Bautista.

Ayon kay Sy, ipinauubaya na nila sa korte ang nasabing usapin.

Si Bautista ang tinuturing na isa sa mga “mastermind” sa pagpaslang sa kapatid na si Ramgen. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.