Motibo sa Pagpatay sa BIR Examiner, Blangko

PATAY ANG isang chief examiner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lungsod ng Urdaneta kamakalawa ng gabi matapos itong barilin habang papasok na sa gate ng kanyang bahay sa isang subdibisyon sa lungsod sa lalawigan ng Pangasinan.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Jose Labonete, empleyado ng BIR Urdaneta at residente ng Barangay Nancayasan sa naturang lungsod.

Napag-alaman na na-

kipag-inuman pa ang mga salarin sa harapan ng isang tindahan sa loob ng subdibisyon nang lapitan ng suspek habang papasok ito sa gate ng kanyang bahay.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala mula sa kalibre 9mm na baril.

Kaagad namang tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Samantala, walang ma-

lamang dahilan ang mga kaanak ng biktima para ito ay patayin habang inaalam din ang pagkukulang sa seguridad ng subdibisyon.

Nagpapatuloy naman ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan upang malaman ang motibo at suspek sa nasabing pamamaslang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Motibo sa Pagpatay sa BIR Examiner, Blangko

  1. mali ang balita nyo… tangang journalist…hindi xa galing sa inuman..ung mga bumaril ang ngiinuman habang inaantay xa sa harap ng bahay nya…bumili cla ng dalawang red horse sa kaharap na tindahan ng bahay nya

Leave a Reply

Your email address will not be published.