Motibo ng Czech envoy, pinagdududahan ng Palasyo

PINAGDUDAHAN NG Palasyo ang motibo ni Czech Ambassador Josef Rychtar hinggil sa pagbubulgar kaugnay sa umano’y tangkang pangingikil ng $30 milyon ni MRT3 general manager Al Vitangcol mula sa isang Czech company.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, matagal nang sinisiyasat ng DoTC at NBI ang alegasyon ni Rychtar at nagtataka sila kung bakit ito ulit nag-ingay.

Sinabi ni Lacierda na mas mabuting hintayin na lamang ang resulta ng pagsisiyasat ng NBI kaugnay sa criminal liability.

Hinggil dito, wala naman daw balak ang Palasyo na habulin o ipa-

deklarang persona non grata si Rychtar.

Paalis na rin daw si Rychtar at huwag na lamang palakihin ang nabanggit na isyu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.