Mother ng child star, nagrereklamo na sa maliit na TF ng anak!

SINO ITONG mother ng child star na madalas magreklamo at laging umaangal sa talent fee NA natatanggap ng  anak dahil medyo maliit.

Dahil na rin daw sa madalas magreklamo ng mother ng child star, balak ng manager ng bata na siyang nagpasikat kaya nakilala ito at kumikita na ay bitawan na lang ito pagkatapos ng kanilang kontrata.

Hindi na raw masikmura ng manager ang pakikialam at pagrereklamo ng mother ng child star samantalang hindi naman nawawalan ng project ang child star.

Umaasa lang daw kasi ang magulang ng bata sa kinikita nito kaya madalas magreklamo na gawing mataas ang talent fee ng bata?

Kawawang child star daw dahil kayod marino na nga raw ito ay ‘di pa rin kuntento ang magulang sa kinikita nito.

Hindi kaya nasusulsulan lang ang magulang ng child star ng iba kaya siguro raw ay nagrereklamo ito sa tinatanggap na talent fee daw diumano ng bata?

(By Gerry Ocampo)

 

 

loading...

4 thoughts on “Mother ng child star, nagrereklamo na sa maliit na TF ng anak!

  1. si Jillian Ward, bakit hindi mag trabaho yoong step father at yoong mother, eh buntis na naman yoong mother na mareklamo, ngayon wala  show ang anak. mukhang hirap na sila ulit. 
    eh Nagpagawa pa ng bahay. haaayyy nga tamad na magulang, ginagamit ang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.