Mother Lily, Roselle at cast ng ‘My 2 Mommies’ nagpa-thanksgiving dahil sa success ng pelikula

Direk Joey Reyes, Roselle Monteverde, Mother Lily, Maricel Soriano and Direk Eric Quizon

ABOT-TENGA ang ngiti ng mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde sa thanksgiving dinner para sa success ng pelikulang My 2 Mommies na kumita na ng mahigit P40 million sa takilya in 6 days simula nung ipalabas ito nung May 9.

Present ang buong cast ng My 2 Mommies like Solenn Heussaff, Joem Bascon, Maricel Soriano na may special participation sa movie, child actor Marcus Cabais na ang galing-galing umarte, Diane Medina,  Direk Eric Quizon who directed the movie at Direk Joey Reyes na sumulat naman ng script ng pelikula.

Humabol naman sa event si Paolo Ballesteros na nanggaling pa sa taping ng Eat Bulagasa pa-thanks giving ng Regal.

Biro ni Mother Lily sa invited press, “Mayaman na ulit ako. Salamat sa inyong lahat. Ha-ha-ha.”

The cast of “My 2 Mommies”

Ang My 2 Mommies ay comeback film ni Eric bilang director. Nakapirma daw siya ng exclusive contract sa Regal at may mga naka-line-up na siyang pelikulang ididirek sa mga susunod na linggo.

“Pero puwede naman akong magdirek sa sarili kong production (Kaizz Venture) tapos ila-line-produce ko for Regal. Puwede naman yung ganun,” kuwento niya.

Posible rin daw na after My 2 Mommies ay sisimulan na niyang gawin ang Titas of Manila. Aayusin daw muna niya ang casting ng pelikula at ang script para masimulan na ito.

During the thanksgiving dinner ay sumisigaw naman si Maricel ng “Bonus! Bonus! Bonus!” Natawa lang naman si Mother Lily sa parinig ni Marya.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.